REAL TALK!!!!!!! “Bakit importante ang pera sa isang - TopicsExpress



          

REAL TALK!!!!!!! “Bakit importante ang pera sa isang relasyon.” Sa henerasyon nating ito, karamihan sa mga babae ay ginagawa nang batayan ang pera sa isang relasyon. Para kang nag-aapply sa isang trabaho, mas pinipili ng iba ang may mas magandang resume o palakasan. Mayaman ba ito, doktor ba ito, engineer ba ito, may kotse ba ito, miss, hindi atm o parking lot ang pekpek mo. Sabihin na nating nakuha mo sya sa mga diskarte at charisma mo, pero hindi ito sapat para kumapit sa’yo habang buhay ang babaeng ganun. Karamihan ng babae ngayon ay naghahangad ng masagana at komportableng buhay. Kaya kung tatamad tamad at wala kang progreso sa buhay, may pag-asang iwan ka ng babaeng pinaka-minamahal mo, lalo na’t madali syang mabulag sa mga palamuting mga bayani ang naka-ukit. Pero, hindi lahat ng babae ay ganyan. Kapag naka-kita ka ng babaeng tanggap ka sa pagiging ikaw at hindi naghahanap ng ibang tao sa’yo, yan yung mga babaeng hindi na pinapakawalan. Yan ang huhulma sa’yo para maging produktibong mamamayan. Dahil mas masarap sa pakiramdam yung mahalin ka at tanggapin ka ng isang babae dahil sa iyong kakayahan kesa sa mahalin ka dahil sa pera at sasakyan mong magulang mo ang naghirap.
Posted on: Mon, 28 Oct 2013 11:41:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015