REMEMBERING THE 90s Ibang iba na talaga ang panahon ngayon kung - TopicsExpress



          

REMEMBERING THE 90s Ibang iba na talaga ang panahon ngayon kung ikukumpara mo noon, patunay lamang na nagbabago ang lahat. Wala pa nung mga hidden camera sa bawat sulok ng bahay, wala pa nun ang boses ni Kuya, ipapanganak pa lang din siguro noon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Wala din masyadong sumisikat na koreanovela noon at naiintindihan ko pa ang lyrics ng mga kanta. Namulat ako noon sa Math Tinik at Sineskwela tuwing umaga, palabas sa ABS-CBN. Naaalala ko pa yung nagsasalitang puno at yung lumilipad na jeep sa Sineskwela. Educational shows yan kagaya ng Bayani at Hiraya Manawari. Hindi pa rin sikat noon sina Dora at Ben Ten. Wala pa rin noon sina Naruto at ang bayan ng Konoha pero nandyan naman sina Son Goku, Trunks, Gohan at ang pitong dragon balls. Hindi pa rin kilala nun si Sasuke, si Freeza lang na akala ko wala nang katapusan ang laban nila ni Goku. Sinong makakalimot sa reigun ni Eugene at dragon ni Recca? Saka kay Voltes V at Daimos na panahon pa lang ng magulang ko ay meron na. Sinong makakalimot sa kuko at gintong palakol ni Diva ni Zenki, ang kataas-taasang alagad na halos lahat yata ng kaklase ko nung elementary ay ito ang isinisigaw. Kasabay rin ni Zenki noon sina Blue Blink at BT’X. Naaalala ko rin yung mga adventures ni Tom Sawyer at ng mga kaibigan niyang si Huck at Joe. Hindi ko itatangging nasubaybayan ko din sina Sarah ang munting prinsesa, Cedie, Peter Pan, Julio at Julia, Remi, Georgie, Charlotte at madami pang iba. Nakalimutan ko na yung kwento nung iba dyan pero di ko pinagsisihan na napanood ko ang lahat ng mga yan. Eh yung dalawang saging na nagsasalita? “Sina B1 at B2, laging magkasama. Sa lahat ng oras, sila ay masaya.” at nakalimutan ko na yung kasunod, pero naaalala ko yung kaibigan nilang mga oso at si Doding daga. Eh yung limang tao na may iba’t ibang kulay? Oo tama, ang power rangers pero pwede ring jetman at bioman na ginagaya niyo ng mga kaibigan mo nung bata ka pa. Nasan na kaya sila? Malabo na siguro silang bumalik dahil ipapalabas na si Maria Mercedes, wala na kasi si Sabel at si Angelito ang batang ama. Kaya siguro maraming bata ang lumalandi ngayon dahil pagkalabas nila sa hapon ay puro kalibugan ang napapanood nila? Ewan ko lang. Basta ako isa lang ang nasisigurado ko ngayon, solid pa rin ang TV Patrol at Eat Bulaga. Ikaw anong naaalala mo?
Posted on: Sun, 22 Sep 2013 06:03:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015