RESIGNATION sa BOC ....pwe !!! Alis Dyan !!! Gaano ba katotoo at - TopicsExpress



          

RESIGNATION sa BOC ....pwe !!! Alis Dyan !!! Gaano ba katotoo at kung talagang seryoso ang mga naglilingkod sa gobyerno ??partikular ang isang sikat at palaging pinag-uusapan number one corrupt agencies sa ating bansa ??ang Bureau of Customs ...? Matapos ang State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Benigno Aquino jr. PNOY ay maraming taong bayan ang naniwala at masasabing nakakabilib ang bawat kataga na binigkas ng pangulo ...ngunit lahat na yata ay biglang naglaho sa papuri at tinapatan ng puro kapintasan dahil sa sinasabing pagbawi sa pagbibitiw sa tungkulin ni Presidential Appointee at ngayon ay Commisioner Ruffy Biazon sa nakalipas na (20) buwan na paglilingkod...sumabulat na hindi tinanggap ng pangulo ang " RESIGNATION LETTER " ng BOC Chief..Ang matindi ay ang pagbibitiw para daw sa " DELIKADESA " sa mga matalim at masakit na pangungusap ng pangulong Pnoy ..nagsubmit sa mabilis na tugon sila Deputy Commisioner Danilo Lim at Hon . Tanada na sinasabing maaring naging dahilan upang maglabas ng kautusan para sa pagbibitiw ang labing pitong (17) kaharian at hindi lamang tatlong hari meron sa Bureau of Customs ayon na rin kay Commisioner Ruffy Biazon ....bagamat tinukoy na rin ng BOC Chief na isususnod na rin ang ibang departamento maging ang mga Examiner mula sa section 1 to section 15 at ibang may hawak na division sa Bureau upang mas higit na paigtingin ang layunin sa ginagawang reporma sa BOC ...mabilis na kumalat ang kautusan dahilan upang magkaroon ng usapan na dapat daw " ay mag file ng "IRREVOCABLE RESIGNATION " ang BOC chief pagkatapos na mag file ang sinasabing 17 hari sa Bureau of Customs mula sa 17 ports..umugong na rin ang planong magdararaos ng kilos protesta ang mga taga BOCEA ?kung sakaling mananatili pa ang BOC chief kasabay ang gagawing pagkilos ng collectors association ? may samahan pala na hindi man lang kinonsulta ng komisyuner ..sa pagtatanong ng MEDIA HINGGIL SA MGA ILAN OPISYALES NA DUMALO AT SUMAMA para ipakita sa MEDIA ang mga nasakoteng kargamento na illegal na ipinasok sa bansa ..kagaya ng mga Used CAR , Used TIRES at Motocycle Unit at Sub -marine na may kasabay pang BASURA mula sa ibang bansa...napag tuunan ng pansin sila Depcom Suansing ng Port of Manila at si DEPCOM Belmonte ng MICP kung wala silang balak sundan ang ginawang pag re-RESIGN nila Tanada at Depcom LIM kung saan ay sinagot naman ni ng dalawang magigiting na depcom na tumagal ng mahabang panahon dahil ayon kay Belmonte , ay nagsilbi ng 34 na taon sa BOC at si Hon. Suansing ay Halos 20 taon na rin sa bakuran ng BUREAU of CUSTOMs..idiniin na sila ay hindi presidential appointed ngunit handang makipagtulungan kay pangulong Pnoy para sa tamang reforma ng BOC dahil sila ay mga career opisyal na nanggaling na sa ibat -ibang ports ng bansa. para sa mga opinyon at suhestyon mangyari mag E-mail sa lgumagazine@yahoo or mag txt sa 0927-8781777 attn On the Spot !!
Posted on: Sun, 28 Jul 2013 04:20:17 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015