RP volleybelles, agad binuwag Agad binuwag ng Philippine Olympic - TopicsExpress



          

RP volleybelles, agad binuwag Agad binuwag ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission ang binuo nitong RP volleybelles matapos ang nakakapanghinayang nitong kampanya sa Asian Southeastern Zone Women’s World Championship qualifier sa Huong Hoa Stadium sa Khe Sanh, Vietnam. “They will be disbanded. The players will be back to their schools. It all depends on their schools kung papayag na panatiliin sila sa team. As to the formation of a national team, it all depends on the national sports association,” sabi ni PSC chairman Ricardo Garcia. Isang panalo lamang sa tatlong laro ang naiuwi ng mabilisan na binuo na RP belles upang maisalba ang bansa sa posibleng kaparusahan na matagal na pagkakasuspindi sa kinaaanibang nitong internasyonal na organisasyon na Asian Volleyball Confederation (AVC). Unang nabigo ang koponan sa host na Vietnam bago nagwagi sa Myanmar. May tsansa sana itong makatabla sa liderato sa torneo na kuwalipikasyon para sa 2014 FIVB Women’s World Championships subalit nabigo ito sa huli nitong laban kontra sa Indonesia. Matatandaan na hindi iginawad ng PSC ang katayuan bilang pambansang koponan sa RP belles dahil binuo lamang ito base sa kautusan ng Asian volleyball body at hindi mula sa proseso na itinalaga ng namamahalang asosasyon sa bansa na Philippine Volleyball Federation (PVF). Idinagdag ni Garcia na hindi din maikokonsidera ang koponan na irepresenta ang bansa sa larong volleyball sa SEA Games kahit na naka-ikatlo itong puwesto dahil na din sa kakulangan ng mga basehang batayan. “If ever they went home with a bronze, it is not enough criteria for them to be send to SEA Games. Tatlo lang din na bansa ang kasali. We should think that nasaan ang Thailand, ang Malaysia at iba pang kasali. You know Thailand is the gold medal winner in SEA Games and we want only to sent a sure gold medal bet,” sabi ni Garcia. Gayunman, pinasalamatan at binigyan ng papuri ni Garcia ang koponan bunga ng kanilang pagseserbisyo sa bansa na kahit walang paghahanda at ilang araw lamang na nag-ensayo ay ipinakita ang kanilang buong pagmamahal na hindi mapahiya at masuspindi ang Pilipinas sa internasyonal na komunidad. “I personally praise the performance of the team which is beyond expectation. Although hindi pa lang talaga maayos but I congratulate the team for showing national pride and honor,” sabi ni Garcia. -spin.ph
Posted on: Sun, 23 Jun 2013 14:15:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015