Re-post from Mga Balitang Pinas Daan-daang pamilya sa Iloilo - TopicsExpress



          

Re-post from Mga Balitang Pinas Daan-daang pamilya sa Iloilo nawalan ng bahay; maraming bayan, isolated Posted by Bombo Iloilo Posted in Latest News Friday, 08 November 2013 ILOILO CITY-- Daan-daang pamilya sa mga bayan sa lalawigan ng Iloilo ang nawalan ng bahay sa pananalasa ng supertyphoon Yolanda sa lungsod at lalawigan ng Iloilo at karatig na mga lalawigan sa Rehiyon 6. Ang bayan ng Dumangas at Janiuay ay nagdeklara na ng state of calamity dahil sa matinding pinsala na idinulot ng pananalasa ng bagyo. Sa bayan ng Janiuay, ngayong hapon lang, nabiyak ang tulay na komokonekta sa bayan ng Lambunao. Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police S/Insp. Charlie Sustento ng 2nd Mobile Platoon, tumaas ang tubig sa Suagi River kayat nabiyak ang tulay at hindi na sa ngayon madaanan. Sa bayan ng San Enrique, isa ang inulat na namatay sa Brgy. Imbang Pequeño matapos tamaan ng lumipad na bubong sa ulo. Ang biktima ay nagngangalang Dea Pedregosa kung saan nagkataon na lumabas umano ito sa pintuan ng paaralan kung saan sila lumikas ng lumipad ang bubong at tinamaan ito sa ulo na kanyang ikinamatay. Nilinaw naman ni Calinog Mayor Alex Centena na isa lang ang naiulat na namatay sa kanilang bayan matapos makuryente at ito ay ang 56 anyos na anak na si Randy Cejar at ang ama naman nito na namatay rin ay nauna nang binawian ng buhay bago pa man naghagupit ang bagyo. Ang 5th District ng Iloilo sa northern part ng lalawigan ang lubhang tinamaan ng bagyo kung saan halos lahat na mga puno ay nabuwal at nasira ang mga bahay. Kabilang sa mga sinalanta ay ang Concepcion, Balasan, Lemery, Carles, San Dionisio, Ajuy, San Rafael, Sara, Estancia, Barotac Viejo, Barotac Nuevo, Banate, Dueñas, Dingle, San Enrique, Pototan, Calinog at Zarraga. Ang nabanggit na mga bayan ay isolated sa ngayon dahil sira ang mga daan at wala ring linya ng komunikasyon pati na ang power suplay at halos lahat na mga residente ay nag-evacuate. Sa bayan ng Concepcion kung saan naglandfall kaninang tanghali ang bagyo, may 94 na pamilya na isolated dahil sa nagbagsakang mga puno ng kahoy, sirang mga daan at wala ring linya ng komunikasyon. May naitala ring landslide sa bahagi ng Leon, Iloilo sa Brgy. Camandag maliban sa nauna ng landslide kanina sa Brgy. Aglubong kung saan gumuho ang dalawang classroom ng isang primary school. Sa lungsod ng Iloilo naman, nasa 3,300 na pamilya ang lumikas mula sa 78 barangay at ngayon ay nananatili sa 80 evacuation centers. Isa ang naitalang sugatan matapos matumbahan ng kahoy ang isang bahay sa Zone 3, Gustilo, Lapaz. Sa ngayon, patuloy pa rin ang buhos ng malakas na ulan sa lungsod at lalawigan ng Iloilo. Naramdaman ang paghagupit ng bagyo simula dakong ala 1:00 kaninang hapon at patuloy pa rin sa ngayon bagamat medyu humina na ang hangin ngunit lumakas naman ang mga pag-ulan. Marami naman sa mga nasa lalawigan ng Iloilo ay nagpapanic sa impormasyon na magkakaroon ng baha dahil sa umapaw na ang tubig sa Moroboro Dam sa Dingle, Iloilo ngunit nilinaw naman ng Iloilo Provincial government na wala itong katotohanan at ngayon ay nasa 12 gate ng dam ang binuksan para unti-unting lumabas ang tubig. Sa ngayon, patuloy ang buhos ng malakas na ulan sa lungsod ng Iloilo gayundin sa lalawigan at wala pa ring power suplay sa buong Iloilo pati na sa isla ng Guimaras kung saan may mga evacuees din sa bayan ng Buenavista at Jordan. -variable-
Posted on: Fri, 08 Nov 2013 18:31:47 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015