Retired OFW nanakawan ng P1-M ng budol-budol gang sa Baguio - TopicsExpress



          

Retired OFW nanakawan ng P1-M ng budol-budol gang sa Baguio City Written by Bombo Baguio Published in Latest News Friday, 26 July 2013 BAGUIO CITY - Aabot sa mahigit P1 milyong pera ang tinangay ng budol-udol gang mula sa isang retired OFW sa lungsod ng Baguio. Nakilala ang biktima na si Jolita Boclongan, 65, may asawa, at residente ng San Luis, Baguio City. Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nilapitan ito ng dalawang babae na ang isa ay nagpakilalang Marlyn Ramos habang ito ay nasa parking area sa Abanao Street. Dito na inalok siya ng mga suspek ng mga investments kapalit ng pagdedeposito nito ng isang milyong pisong pera. Naengganyo naman ang biktima at sinamahan pa ito ng isa sa mga suspek sa pag-withdraw ng P600,000 sa isang bangko. Sa pagpunta nila sa bangko, pinaiwan pa sa van ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng P450,000. Pag-abot ng dating OFW sa pera nito sa mga suspek ay mabilis na naglaho ang mga ito. Dito na rin napagtanto ni Mrs. Boclongan na nabiktima siya ng budol-dudol gang. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/14196-retired-ofw-nanakawan-ng-p1-m-ng-budol-budol-gang-sa-baguio-city#sthash.vNW7WA1V.dpuf
Posted on: Fri, 26 Jul 2013 08:20:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015