Roi, lumaki ang puso kay Kuh Ni ALLAN DIONES PAGKATAPOS ng - TopicsExpress



          

Roi, lumaki ang puso kay Kuh Ni ALLAN DIONES PAGKATAPOS ng Tung Power sa Power of Two (o Power of Tung?) concert nina Charice at Aiza Seguerra last month ay Beki Power ang namayani sa Araneta Coliseum nu’ng Sabado nang gabi sa One More Try: My Husband’s Lover The Concert. Umpisa pa lang ng concert ay ramdam mo na ang gay mood dahil sa isang topless hunk na tumutugtog ng violin. Si Kuh Ledesma ang nagbukas ng show sa pagkanta ng My Husband’s Lover theme song at pambansang awit ng mga beki na One More Try. Hiyawan ang Araneta pag-entra ng tatlong bida ng MHL na sina Dennis Trillo, Carla Abellana at Tom Rodriguez. Mashup ng Maroon 5 songs na Love Somebody at Daylight ang kinanta ng tatlo. Kilig-kiligan ang fans sa TomDen loveteam lalo na kapag tinatawag nina Tom at Dennis ng BEH ang isa’t isa. Nag-duet sina Tom aka Vincent at Carla aka Lally ng mashup ng Just The Way You Are (nina Billy Joel at Bruno Mars), kaya um-exit muna si Dennis aka Eric. During the entire show ay nagpapakita ng memorable clips mula sa MHL. Tilian ang audience sa sweet moments nina Eric at Vincent. Si Tom ang unang nag-solo number. Inawit niya ang Hey It’s Me (ni Jamie Rivera) na kasama sa bagong release na TomDen album. May revolving door sa stage na katulad nu’ng sa MHL kung saan nag-moment noon sina Vince at Eric. Lumabas si Tom sa revolving door at pumasok si Dennis for his solo spot. Bagay sa boses ni Dennis ang inawit niyang The Man Who Can’t Be Moved (ng The Script). Ang guwapo ni Beh sa kanyang cobalt blue blazer. Super-kilig si Barbie Forteza nang bumaba sa stage si Dennis at lumapit sa kanya. Crush na crush ng Kapuso tween star si Dennis kaya present ito sa Big Dome. Sey ni Barbie sa Instagram ay hindi na niya huhugasan ang kamay niyang kiniss ni Dennis. Ang senti song niyang Kung Alam Ko Lang (original ni Toni Daya) ang kinanta ni Carla sa kanyang solo number. Enter ulit ang TomDen at nag-duet ng I Need You Now (ng Lady Antebellum). Exit frame si Lally habang umaawit ang mag-Beh. *** Si Barbra Streisand ang favorite diva ng beki karak­ter ni Dennis na si Eric, kaya may Barbra number ang mga biriterang Kapuso diva na sina Kyla, Jonalyn Viray, Maricris Garcia at Aicelle Santos. Kasunod nito ang solo ni Kuh ng hit song niyang Till I Met You. Tapos ay lumabas si Roi Vinzon aka General Armando Soriano at nag-duet ang mag-honey. Applauded ang dalawa at maraming natutuwa sa tandem nina General Armando at Elaine (Kuh). In fairness ay may mga tumitili sa kanila. Nagpasalamat si Roi na pinagbigyan siyang kumanta sa stage ng Araneta kasama ang kanyang sweetie at hon-hon na si Kuh. Lumaki raw ang puso niya. Sunod na inawit ng original Pop Diva ang Huwag Kang Mangako na ginamit na theme song ng Kapuso teleserye ni Lovi Poe na Akin Pa Rin ang Bukas. Ipinalabas sa screen ang isa sa pinaka-crucial na eksena sa MHL -- ‘yung tagpong nahuli ni Lally ang mister niyang si Vincent na nakikipaglampungan sa ka-affair nito (at tinatawag na ‘Beh’) na si Eric. Tilian pa rin ang fans sa nasabing suspenseful moment na naganap sa condo unit ni Eric. Meron ding pintuan ng Room 1720 sa stage. ‘Siya ba si Beh?’ ang words na nagpa-flash sa big screen habang kinakanta ni Carla ang Stay (ni Rihanna). Si Tom ay bumanat ng California King Bed (ni Rihanna rin), tapos ay Stay (ni Ric Segreto) ang inawit ng naka-pink blazer na si Dennis. Ang ganda ng version ni Dennis ng nasabing kanta, na kasama sa songs mula sa TomDen album. Just Give Me A Reason (ni Pink) ang second duet number ng TomDen na parehong nakasuot ng Pink. Umupo pa sa may hagdan ng stage ang mag-Beh. Panay ang sigaw ng fans ng “Kiss!!!” after umawit ng dalawa. *** Benta sa fans ‘yung kuwelang recorded video ni Joey de Leon na nagbigay ito ng trivia hinggil sa history ng kabadingan sa telebisyon. Puring-puri ni Tito Joey ang MHL na paborito niyang panoorin. Kwela ‘yung mga hirit niya tungkol sa TV shows na papalitan ng beki titles tulad ng ‘Eat Bulagay’ at ‘MagpakailanMan to Man.’ Sunod dito ang Cell Block Tango-inspired number ng apat na babaeng support characters ng MHL na sina Bettina Carlos aka Vicky, Karel Marquez aka Evelyn, Glydel Mercado aka Sandra at Chanda Romero aka Mama Sol. Isa-isa nilang ibinulalas ang kanilang opinyon at angst na segue sa Tango dance, habang sa may gilid ay sing ang TomDen ng You Don’t Own Me. Kabugera sina Glydel at Chanda. May lifting si Glydel habang si Chanda ay riot ang monologue tungkol sa kanyang pagiging Universal Beki Mother at Ina ng Sangkabekihan. Sa dulo ng dance number ng girls ay kiyemeng umeksena ang killjoy na si General Armando. *** Syempre, hindi puwedeng hindi kantahin ni Jonalyn Viray ang isa pang hit theme song ng MHL na Help Me Get Over. Mas itinaas ni Jonalyn ang kanyang birit song na patok na patok sa mga gustong maka-get over. Grand entrance si Kevin Santos aka Danny na buhat-buhat ng men in military uniform. Dance-dance si Beks with MHL hunks Pancho Magno, Victor Basa and Rodjun Cruz. Nagsipag­hubad ng damit ang tatlo habang ang hitad na Kevin ay aura-aura at kyondi-kyondi ang drama sa stage with the boys. Itsurang nag-Cosmo Bash moment sa entablado nang magsirampahan ang ilang topless hunks in shorts na may colorful boa feathers sa balikat. Natuwa ang mga baklesh sa hunkfest segment kahit kagulo ang mga mhin sa stage. May umentrang mga naka-white umbrella kasunod ang naka-mujer na si Keempee de Leon aka Zsa Zsa/Zandro. Kinanta nila ni Gloc 9 ang national anthem ng mga bading na Sirena. Ang cute ni Kimpoy na duma-dance-dance habang naka-long red dress. Nagsama-sama ang cast para sa finale. Nag-final moment ang mag-Beh. Ipinakita sa screen ang nakunang intimate scene ng TomDen. Akmang magki-kiss na ang dalawa pero naputol ‘yon. Hiyawan ang lahat dahil nabitin. In-announce ng cast na sa DVD na lang abangan ang nasabing eksena. Matapos magpasalamat sa lahat ng nanood sa Araneta ay tinawag nila sa stage ang production staff and crew ng MHL. Nabasag ang boses ng emosyonal na si Carla nang tawagin niya ang mga tao sa likod ng kanilang programa. Naiyak si Carla, na very vocal sa pagsasabing ito ang show na sobrang minahal niya. Nag-confetti shower habang nagbebeso-beso at naggu-group hug sila sa stage. Hindi pa roon nagtapos ang palabas dahil for the last time ay nag-duet pa ang TomDen ng One More Try.
Posted on: Tue, 15 Oct 2013 20:06:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015