Roxas: AFP magiging katuwang ng CIDG vs high profile - TopicsExpress



          

Roxas: AFP magiging katuwang ng CIDG vs high profile criminals Written by Ronald Tactay Published in Latest News Monday, 15 July 2013 23:57 0 0 Magiging katuwang ng PNP-CIDG ang intelligence group ng PNP at Intelligence service ng AFP sa pagtugis sa mga high-profiled criminals. Inihayag ni DILG Sec. Mar ROxas na malaki ang naitulong ng Intelligence Service ng AFP sa pagkaka-aresto muli sa mag-asawang Chinese convicted drug lords na sina Li Lan Yan at Wang Li Na. Sinabi ng Kalihim na isinusulong ngayon ni PNP Chief Police Director General Alan Purisima na ang Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG) na ang siyang tututok sa pagtugis sa mga high profile at high risk criminals na sangkot sa mga malakihang mga krimen. Ayon kay Roxas kabahagi ng malawakang programa na isasagawa ng pnp ang baguhin ang terms of reference ng trabaho ng CIDG kung saan tatrabahuhin ng CIDG ang pagtugis sa mga kilala at sangkot sa mga malakihang mga krimen. Giit nito na dahil sa nasabing bagong hakbangin ng PNP magkakaroon nang dagdag na training, dagdag na resources at dagdag na focus ang CIDG. Samantala, hiniling naman ng CIDG sa Cavite court na sa New Bilibid Prison na lamang gagawin ang pag dinig ng kaso ng mag-asawang Chinese drug traffickers. admin t-021
Posted on: Mon, 15 Jul 2013 16:01:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015