SAAN at SINO nga ba ang maaaring Takbuhan at Sandigan ng isang OFW - TopicsExpress



          

SAAN at SINO nga ba ang maaaring Takbuhan at Sandigan ng isang OFW katulad ko???? Sana ay makarating sa kinauukulan ang mga KATANUNGAN kong ito.. To:Mr.Pres.Noy Aquino... Office of the President, Ano po ba talaga ang ahensyang may TOTOONG SERBISYO sa mga kapakanan ng OFW??? Dfa,Poea,Owwa,Migrante???? To:Mr.Hans Leo Cacdac POEA,Administrator Ano po ba ang Responsibilidad ng Ahensyang nagpapaalis sa bawat OFW? Natatapos ba ang Obligasyon nila sa pagsakay sa eroplano ng isang Ofw,pagkatapos makakuha ng Placement fee??? To:Mr.Antonio Basilio Ambassador,Manila Economic Culture Office Owwa,Taipei Taiwan Para saan po ba ang pagbabayad ng Membership sa Owwa? Ano-ano po ba ang benipisyong totoo nito sa ofw?? Kapag po ba humingi ng saklolo sa inyo ang worker kailangan pa po bng mas pakinggan ang panig ng Inirereklamo???huh! Habang patuloy ang ating Gobyerno sa pagpapaalala ng ating obligasyong magbayad,magrenew kung kinakailangan ng MEMBERSHIP para daw makakamit ang mga Benipisyo,assistance pero bakit parang isa lamang itong kwento... Kaya naisip ko kung SINO PA NGA BA ANG MAARING HINGIAN NG TULONG. Pero,sa kabila nito ang pagsisikap na makatugon sa kanilang Requirement na mag update ng membership. Sana,makatikim nman ng TOTOONG PROTEKSYON ,TULONG sa ating mga kinauukulan habang may natitira pang Hininga ang bawat OFW at hindi kung kailang nakaKAHON na ito at wala ng buhay ay saka magkukumahog s pagpapakita ng tulong at suporta..! Salamat po. Yolly caregiver,OFW
Posted on: Fri, 04 Oct 2013 16:23:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015