SALOT SA MIMAROPA AT DUGYOT INUUTO SA PDAF by Burdado/Jun Briones - TopicsExpress



          

SALOT SA MIMAROPA AT DUGYOT INUUTO SA PDAF by Burdado/Jun Briones Sep 16, 2013 MAKIKITA na talaga kung gaano kaganid sa PDAF itong ilan nating kongresista. Kaugnay ito sa tumitinding kilos protesta laban sa pork barrel, at dahil ipinag-utos nga ng Korte Suprema na hindi na muna maaaring i-release ang natitirang pondo sa PDAF ng mga mambabatas para sa taong ito (2013), natataranta ngayon ang mga hinayupak. Kanya-kanyang istayl ang mga hijo de-puta para maobliga ang Korte na bawiin ang nasabing kautusan. Ang ginagawa ng mga lintek ay ginagamit ang ilang mahihirap nating kababayan para umarteng katapusan na ng daigdig para sa kanila kung hindi sila maaayudahan mula sa PDAF ng mga magnanakaw na mambabatas. Kapit sa patalim, parekoy, ang ilan nating kababayan kaya sila napipilitang magpauto sa mga buwaya! Hindi man lang naiisip na sa bawat kusing na natatanggap mula sa paninikluhod sa mga kongresista ay milyones ang hinaharbat ng mga animal! Tsk, tsk, tsk. Sa totoo lang, kaya ayaw ng ating pamahalaan na ibigay ang tapat na serbisyo ay para tuluyang mabaon ang bayan sa kahirapan. Dahil kapag nanatiling dugyot nga naman ang taumbayan ay madali nila itong pakapitin sa patalim! King-ina talaga!
Posted on: Tue, 17 Sep 2013 08:50:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015