SARIAYAS SANTO KRISTO: ISANG SENAKULO ... A VERY PERSONAL - TopicsExpress



          

SARIAYAS SANTO KRISTO: ISANG SENAKULO ... A VERY PERSONAL EXPERIENCE (PART 1) By Eric J.Dedace *(Sariaya’s Santo Kristo Isang Senakulo: A Very Personal Experience Sunday, 04 April 2010 08:00 Eriberto Ricardo J. Dedace) What does it take to produce Santo Kristo: Isang Senakulo? Sariaya’s emergent Holy Wednesday tradition that has gained and is still gaining an enthusiastic following among the locals and visitors alike takes more than just the budget which is truly the most essential element to this one-of-a-kind undertaking. The now very popular and most awaited street play initially thrived on the dreams, guts, hard work, dedication and resourcefulness of its indefatigable proponents. A brainchild of erstwhile Sariaya Parish Priest Msgr. Melecio Verastigue which was readily brought forth and translated into reality by the Sariaya Tourism Council then under the leadership of Rev. Fr. Andrew S. Hernandez, it became a byword despite its initial shortcomings and bungling yet very encouraging attempt at live street presentation. And with its fifth staging this year since that fateful Holy Wednesday of 2006, its ever efficient and animated cast and crew that continuously grows with the passing of the years has truly become one large, happy and wonderful family of like-minded individuals who have only one thing in common . . . to put their hearts into a faithful reenactment of Jesus Christ’s passion and sufferings on the cross in order to redeem the sins of mankind, and reaffirm its true spirit. Last year, I thought that it’s high time to come up with an article as a fitting look at how Sariaya’s very first and comprehensive street play has turned out to be after five consecutive years of being staged. With that in mind, I interviewed some members of the Senakulo cast and crew, as well as individuals who in one way or another are connected to the production, in order to determine what the undertaking is all about to them. Here is how they put everything into words . . . . Michael “Kel” Vergara, PYA President (Taong Judea) : “Nagkaroon ng malaking pagbabago sa akin ang pagsali sa Senakulo dahil natutuhan ko ang magbigay at makapaglingkod sa kapuwa, bukod pa sa pakikisama sa tao. “ Rei Baligod ( Juan ) : “Tahimik lang ako noong una pero dito ako natutong makisama, makipagtulungan at maki socialize sa aking mga kaedad. Dito rin ako natutong umarte sa entablado.” Ma’am Jeanette Abano-Garcia (Assistant Director) : “Nagsimula tayo sa walang-wala pero dahil ito ay ginagawa natin para kay Lord, tayo ay nagkaroon ng guidance at lalong lumakas ang ating faith. Noong kami ni Fidi ay nasa Sirca Kayumanggi sa Sariaya Institute, batiin lamang na napaganda namin ang aming production ay masaya na kami! Ngayon ay eto at meron na tayong isang Senakulo! Taon-taon ay meron tayong idinadagdag at dahil dito, tayo ay nagkakaroon ng mga blessings. Naroon din ang thrill sa ating ginagawang performances inspirasyon sa pagsi share natin sa mga tao, at maging sa ating service sa Kanya”. Federico “Sir Fidi” Ceribo ( Director ) : “Hindi ko makakalimutan noong una ninyo akong pinuntahan sa SI para maging Director ng Senakulo kahit na nagkikita lamang tayo noon tuwing Agawan Festival at may contest ng MTB (Mga Taong Bagakay) street dancing na sumasali ang Sirca Kayumanggi. Isang tingin ko pa lamang dun sa binili ninyong Komiks ng Kalbaryo na pagbabasehan ng script eh parang may kung anong “spark” akong naramdaman sa kalooban, at lalo na nung tayo ay mag brainstorming at tayo ay napaiyak! Naroon yung nerbiyos dahil first time nating gagawin ang isang street play dito sa Sariaya at medyo gahol na sa panahon pero nare remember ko rin yung feeling of fulfillment dahil naging matagumpay siya. Nitong ako eh umuwi na ng Lucban para magturo sa SLSU eh palagi akong tinatanong ng mga batang dati kong estudyante sa SI doon pag malapit na ang Holy Week kung meron pa raw Senakulo. Ang effect nito sa bata eh hooked na sila once na napasali at kapag hindi sila naka join eh may kulang sa kanila. Maligaya ako kasi dahil sa Senakulo eh lalo kong naramdaman na ako ay talagang adopted na ng Sariaya at noong nasa Bicol ako nito lang, talagang ipinagmalaki ko ang Senakulo at ako ay member ng Sariaya Tourism Council!” Maria Teresa “Tek” Cuello-Baligod (Treasurer, STC) : “Ang Senakulo para sa akin ay isang panata at habang kailangan ako dito ay patuloy ako sa aking service para sa kanya!Narito ako kahit ako ay sobrang napapagod, kahit wala akong kinikitang pera, kundi dahil ito ay aking passion! Maraming heart ache sa pagpro produce ng Senakulong ito pero go pa rin ako, at kahit ganoon at pag nakikita ko ang enjoyment ng mga bata, enjoy na rin ako! Hindi ko makakalimutan ang unang-unang brainstorming ng Senakulo kasama sina Fr. Andrew, Arlene at Kuya Eric at ma – decide na ito ay magiging isang street play at hindi gagawin lamang sa isang stage sa patio gaya ng suggestion noon ni Msgr. Verastigue!” “Hindi ko rin makakalimutan noong pumunta tayo sa SI para kausapin si “Sir Fidi” para siyang mag direct at ang tingin ko nga sa kanya noon ay mukhang mataray, pero lahat ng impression na iyon ay nabago noong makahulihan agad natin siya ng loob doon pa lamang! Ayokong mawala ang Senakulo at dream ko na ito ay magpatuloy hanggang sa ating pagtanda, kung saan meron dapat na mga successor para sila naman ang gumawa! Napakasuwerte ng Sariaya dahil nagkaroon ng isang Sir Fidi at talagang tandem sila ni Ma’am Jeanette!” Alberto ‘Bernie’ Cadorna (STC PRO at naging Apostoles at Kawal) : “Dahil sa Senakulo ay nadagdagan ang aking faith, at lalo akong naging ma PR dahil sapakikihalubilo sa iba’t ibang tao! Mas nadagdagan ang aking kakayahan dahil sa aking natutuhansa ibang kasamahan sa Senakulo! Para sa akin, ito ay isang sakripisyo at panata! Sana ito ay magpatuloy ng magpatuloy dahil malaki ang magagawa nito para sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagdaragdag sa pananampalataya, sa kaalaman sa kultura at sa personality development!” Natalia “Nanay Talia” Cuello (Matriarch of the Cuello Family) : “Ala ay panata na namin na sa aming bukid gaw-in yung workshop ng Senakulo. Mabuti at nakikita doon ang katotohanan ng pasyon ni Hesus na sumakop sa ating mga kasalanan. Nadadagdagan ang aking pananalig at pananampalataya. Kung nabubuhay pa ang aking asawa ay tiyak na magiging buo din ang kanyang suporta dito dahil ang kanyang patron ay ang Mahal na Nazareno at may poon kami nito sa aming bahay.” Rowena ‘Mayora Wena’ Masilang (STC President) : “Napakagandang experience na maging kabahagi ng mga preparations ng Senakulo! Iba ang feeling nang makasali doon at maka trabaho si Sir Fidi! It’s worth it! Isa siyang uri ng sakripisyo at exposure na rin. Ako’y natutuwa na ang Samahang Kababaihan ay bahagi na rin nito at malaki ang naitulong ni Ma’am Jeanette tungkol dito!” Red Baligod (Batang Taong Judea) : “Maganda dahil maraming batang nanonood! Masaya dahil madami akong naging kaibigan! Kaya lang ay sumikip at humigpit na ang aking costume!” (Then ran abruptly towards the Sitio Loob chapel during the overnight acting workshop.) Raymund “Ada” Rodillo (Saserdote, Barabas, Taong Judea) : “Gustung-gusto ko na ako ay nagpe – perform sa Senakulo. Nagkaroon akong lalo ng self confidence, naging mas ma PR pa at nagka meron ng fulfillment na higit pa sa pagsali ko noon sa Sirca Kayumanggi! Ang nabago sa akin ay nagkaroon ako ng more realization sa buhay at nang mas maraming friends! Sana ay tumagal pa ang Senakulo at magkaroon pa ng maraming improvements dito!” Jocelyn Licaroz (Taong Judea) : “Maganda ang Senakulo at maayos ang production, at marami akong natutuhan sa workshop. Yes, masaya ako na naging bahagi ako ng Senakulo, at sana ay magpatuloy pa ito!” Eufemia “Tita Neng” Prado (Proprietress of Villa del Prado Pool and Beach Resort, Senakulo patron and supporter) : “Ang Senakulo ay isang pagpapakita ng paghihirap ni Hesus sa krus. Basta ang masasabi ko lang eh okay na okay ang Villa basta pagdating sa Senakulo!” Luisito “Janis” Martinez (Senakulo Make Up Artist) : “Ang Senakulo ay isang panata na para sa akin! Naaalala ko pa noong kausapin ako ni Topher Quejano na ako daw ay mag research para mag complement daw ang aking make up sa costume ng Senakulo at iyon ay ginawa ko! Iyon ay naging isang challenge para sa akin para pilitin kong maging maayos ang aking gawain dahil ito ay papanoorin ng maraming tao.” “Pakiramdam ko eh lalo akong nagkaroon ng self confidence dahil mas napalapit ako kay Lord at ako ay kanyang ginabayan. Naroroon din yung kakaibang excitement ng pag – asam sa tuwing nalalapit na ang panahon ng Senakulo!” Benjie Lozano (erstwhile STC Vice President at gumanap na Punong kawal) : “Malalim sa akin ang kahulugan ng Senakulo dahil ito ang nagpapa alaala sa atin ng paghihirap ni Hesukristo upang matubos ang ating mga kasalanan. Bukod sa ating pagsasakripisyo sa mga panahong ganito, dapat din nating isinasabuhay ang tunay na diwa nito upang maging mas matibay an gating pananampalataya.” “Ang gawaing ito ng STC ay isang eye opener para sa mga Sariayahin tungo sa ganoong pananaw lalo na ngayong computer age! Hindi biro-biro ang mga pagsasaliksik, paghahanda at sakripisyong ginagawa para mabuo lamang ang Senakulo. Kailangan dito ng tunay na commitment, pakikiisa at pakikibahagi upang ang gawaing ito ay mas maging sustainable at pang matagalan.” Ricardo Sumague (STC PRO, acted as Roman Soldier, Herodes, Pedro and the blind nguni’t Barthemeus) : “Dahil sa Senakulo e naaalala ko nung teacher pa ako sa SI at itinatag namin ni Ms. Agnes Enriquez – da Silva yung ‘Dulsawit’ o Dula Sayaw Awit, isang school theater group.” “Personally para sa akin, ang pagsali ng Senakulo ay hindi lamang isang pagtupad sa obligasyon sa Sariaya Tourism Council, kundi isang theater art on a different plane of performance! Ang feeling eh dahil sa pagganap ng parte sa Senakulo upnag maisalarawan ang tunay na diwa ng Holy Week ay nahuhugasan ang ating kasalanan.Dito ay welcome ang lahat ng talent at mas maiintindihan ang ibig sabihin ng pagpapakasakit ni Hesuskristo! Dahil sa pagganap ng iba’t ibang characters taun-taon, mas lalong na e - enhance ang ating mga skills, passion at enthusiasm sa larangan ng entablado.” Freddie Razon (Member of the Knights of Columbus, Sacerdote role) : “Feel na feel ko ang sampalan ng pag arte sa Senakulo! Salamat at ako ay nabigyan ng pagkakataong makasali sa magandang gawaing ito.”
Posted on: Mon, 14 Oct 2013 14:44:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015