SECRET MOM Hindi madali yung pinagdadaanan ko ngayon. Yes, Im a - TopicsExpress



          

SECRET MOM Hindi madali yung pinagdadaanan ko ngayon. Yes, Im a young mom. 2 years old na ang baby ko ngayon. And up until now, hindi parin alam ng mga college buddies ko na may baby na ako. Hindi ko ikinahihiya na may anak na ako, dahil blessing yun and sobrang saya ko na dumating siya sa buhay ko. I just dont know how to personally tell them. Iba kasi sila eh. Masyado silang judgemental. Yeah, I know kasama talaga sa buhay and mahusgahan ka pero sa ngayon, hindi ko na muna maaatim na madamay sila sa araw araw kong problema. Mahirap kasi pagsabayin ang pag aaral sa pagiging isang ina, isama mo pa yung malupit na mapang mata mong biyenan na lahat na trip sabihin sayo. Okay na yung nakikita nila akong masaya sa gitna ng patong patong na problema. Kaya guys, if ever na dumating yung time na sapian ako ng katapangan para sabihin sainyo kung anu talaga yung totoo kong buhay, sana matanggap niyo parin ako. Matagal narin tayong magkakasama. Sorry if tinago ko sainyo, I just want to live my life privately. Ayokong makikita niyo akong mahina. Someday, soon, malalaman niyo rin and mamimeet niyo rin ang baby ko. - Diyan E. College of Science
Posted on: Mon, 02 Dec 2013 13:18:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015