SELFISH DEMANDS PEOPLE WHO MAKE DEMANDS DONT SEEM TO CARE THE - TopicsExpress



          

SELFISH DEMANDS PEOPLE WHO MAKE DEMANDS DONT SEEM TO CARE THE SIDE OF THE OTHER PARTY. THEY THINK ONLY OF THEIR NEEDS. Hindi nakakapagtaka na hindi naiintindihan ang issue kasi makasarili ang demand. Tanging kapakanan lang na pansarili ang iniintindi. Pano ang kapakanan ng bansa? Lagi na lang bang mag-iisip na nanakawin ang pera? Wala pa ngang binibigay, nanakawin na agad ang nasa isip. Pero gustong umunlad ang bansa. Pano uunlad kung ang pera na isasauli sa kanila ay ipinagdadamot pa? Pano uunlad kung pansariling paghihirap ang iniisip? Panong uunlad kung iaasa lang sa gobyerno ang pagsasaayos? Ang suporta at cooperation lang bale ang hinihingi ng pamahalaan pero sarado ang isipan dahil ang pansariling pangangailangan ang nangingibabaw. Halos lahat ng OFWs gumagamit ng airport sa Pilipinas. Halos lahat nagrereklamo sa pagiging Worst Airport in the World ng ating paliparan. NATANONG MO NA BA ANG SARILI MO, NAKATULONG NA BA AKO PARA MAPASAAYOS ANG AIRPORT? AH, sagot mo nga pala trabaho ng gobyerno yan, nagbayad na ako ng tax. Nagagalit tayo kasi nanakawin lang ang pera natin. Bakit tayo ninanakawan? Dahil sa katwiran na yan kaya tayo naabuso. Puro tayo asa sa gobyerno na gagawa para sa atin kaya nagkakaroon sila ng pagkakataon na nakawan tayo. Hindi dahil nagbibigay tayo, ninanakawan dahil wala tayong pakialam sa pagpapatakbo at pagsasaayos ng bansa.Trabaho ng gobyerno yan. Kelan kaya matututo na makipagtulungan ang bawat Pilipino sa ikauunlad ng bansa at hindi pansarili ang uunahin? Nakakaawa ang Inang Bayan, nilibre ka na ng tax, simpleng pagpila sa pagrefund at konting oras para sa Inang Bayan na binabalik balikan mo di mo maibigay ng dahil lang sa pansarili mong interest?
Posted on: Sat, 13 Sep 2014 11:48:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015