SEPTEMBER 5, 2013: kame ay nasa isang university sa pangasinan, - TopicsExpress



          

SEPTEMBER 5, 2013: kame ay nasa isang university sa pangasinan, Ako kasama ang mga kaibigan ko ay naktambay noong mga oras na iyon, sa hindi kalayuan ay may biglang dumating na isang lalake na naka porma ng maayos at kasama ang kanyang kaibigan na nasa pormahang manliligaw may dala siyang bulaklak , isang cake (red ribbon) at gitara. tumayo kame para masaksihan ang mga magaganap na mga eksena dahil bihira ka ng makakita ng ganito at sa part ng lalaki ay isa itong nakakakabang parte ng kanilang buhay pag ibig. nagkalakas loob na ang lalaki at pinunthan na niya ang isang grupo ng mga babae na nakatambay din katulad namen. nakanakaw ng atensyon hndi lang samen pati sa mga taong naka paligid saknla ang mga pangyayare ng nilapitan ng lalaki ang babae. Sa una ay nagkahiyaan sila pero sinimulan ng lalaki ang panliligaw umupo siya katabi ng babae pero lumipat ang babae sa tabi ng isa sa kanyang kaibigan nang magsisimula ng mangharana ang lalaki ay biglang tumayo ang babae at umalis ksama ang mga kaibigan iniwan ng babae ang cake pero ang isang kaibigan niyang babae ay kinuha ang bulaklak dhil sa nangyare ay umlis na din ang lalaki. hndi magandang eksena ang nasaksihan namen kung twagin natin ito sa henerasyon natin ay "EPIC FAIL" ang nanagyare. sa point of view ko hindi dapat ganun ang ginawa ng babae na nag walk out basta basta kung sakali man na na shock ang babae sa mga nanagyayare o hndi niya gusto ung lalaki sana man lang ay pinakingan niya ang gagawing panghaharana nung lalaki kahit hindi na lang basta basta umalis.
Posted on: Sun, 08 Sep 2013 14:43:57 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015