SI CRISTY FERMIN, SI BOY ABUNDA, ANG FISCAL NA MAY HAWAK NG KASO - TopicsExpress



          

SI CRISTY FERMIN, SI BOY ABUNDA, ANG FISCAL NA MAY HAWAK NG KASO KO NA KAPATID PALA NANG ISANG MATAGAL NG KAIBIGAN, ANG MABAIT NA TAXI DRIVER NA GUSTO METRO LANG AT AYAW MAGPAKONTRATA, ANG NAKANGITING HUNKY GUY AT ANG MGA BAGONG HIMALA NG DIYOS SA BUHAY KO NGAYONG 52 NA KO.... officially today, october 29, 2014, ang simula ng unang araw ng book 52 ng buhay ko. at ang pinakasimula na tinapos lang talaga ang birthday ko kahapon, ay ang first hearing kaninang 2pm sa quezon city judicial court, ng isinampa kong carnap case sa mga nagtakas ng kotse ko. pero hindi naman dumating ang mga akusado. nira-raffle daw ang case that i filed october 1, at nagkataon namang ang fiscal na may hawak ng kaso na si assistant city prosecutor romana p. lindayag- del rosario ay sister ng isang dating co-writer at matagal ng friend sa abs-cbn na si rondell lindayag. nag-set uli ng hearing si fiscal del rosario on november 12 para bigyan pa ng isang pagkakataon ang mga hindi sumipot na mga mandarambong at masasamang-loob. ganun daw talaga at laging may mahabang proseso ang batas. pero bago yun, nagising uli ako kaninang umaga sa text ng kaibigang nanay cristy fermin. bukod sa napakatamis niyang bati kahapon...kanina naman ay nakikisuyo siyang paki-pick up ko raw ang gift niya sa akin sa gallery arcade building niya na obra ni nanay sa roces avenue, quezon city. at habang nagdarasal naman ako ng taimtim at 1pm kanina bago pumunta sa korte, nag-text naman ang matagal na ring kaibigang boy abunda na hindi rin nakalilimot taun-taon kahit nung araw pa pag birthday ko, dahil magkasunod ang birthdays namin. october 28 nga ako, 29 naman si kuya boy. ang mensahe naman niyay dumaan ako sa backroom office niya sa kamias. para namang pinagtiyap ng panahon, halos sabay nag-text sina nanay cristy at kuya boy sa akin na halos same message, at parehong hindi ko rin sila nakatagpo last year dahil sa amerika ako nag-birthday. pero heto at pinagtabi ko ang huling dalawang gift nila sa akin nung 2011 at ngayong ngang 2013 respectively: ang dalawang card ni kuya boy at dalawang painting ni nanay cristy. yung unang painting na regalo ni nanay cristy, nag-renovate ako ng window sa sala. pinatakpan ko totally para maging wall para lang maikabit ko ang mahalagang painting na yun. itong pangalawang painting, inilagay ko rin muna sa wall ng bedroom. pero dapat nasa sala rin ito at iisipin ko pa kung ano naman ang patatakpan ko para maging wall. mula bahay to quezon city hall, nag-jeep lang ako worth 8 pesos and conveniently nasa city hall na nga ako after 10 minutes. late ang fiscal than 2pm sked, kaya almost 4pm na rin kami natapos mag-usap. nag-rent na nga ako ng taxi na pinara ko lang sa quezon city hall after, para mapuntahan ko na ang office ni kuya boy at ang obra ni nanay gallery ni nanay cristy. pinagtiyap naman na on the way-tagusan ang kamias road at roces avenue coming from quezon city hall. sa dami ng masasamang kuwento tungkol sa mga taxi drivers, mabait naman ang nasakyan ko kanina na si mang romy labrador ng d airbase taxi. naka-tuned pa siya sa program ng idol actionman raffy tulfo with nina taduran na TROPANG WANTED SA RADYO (TWSR) na ang kasunod nay ang cristy ferminute ni nanay cristy. ayaw ni mang romy na irenta ko pa ang taxi kung dalawang lugar lang daw ang pupuntahan ko at pangatlo ang pag-uwi sa bahay na magkakalapit lang naman daw ang distansiya. i-metro na lang daw niya at puro pick-up lang naman ang pupupuntahan ko. natuwa naman ako sa kanya at very thankful siya. masaya ang aming kuwentuhan. sabi ko sa kanya, birthday ko pa naman, nakikipag-hearing ako dahil sa kotse kong ninakaw...at buti na lang may mga ever-supportive na kaibigang nagi-effort para mapasaya pa rin ako sa kabila ng tunay kong kalungkutan sa trahedyang sinapit ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga lubusang mapaniwalaan... ang ending, pinabati ko si mang romy on air kay nanay cristy; binigyan ko siya ng tip ng pasasalamat at naihatid nga niya ko ng ligtas sa lahat hanggang sa bahay na tuwang-tuwa rin naman siya. bago ang lahat ng ito, may nasalubong akong mid 20s hunky guy bago ako sumakay ng jeep papunta ng quezon city hall. nakangiti siya, kase nakita niyang binabasa ko ang nakasulat sa shirt niya, if you are waiting for a sign...this is it! yes, it is an answered prayer!. napangiti ako nang husto...kase kahit nalulungkot talaga ako na mukhang malabo nang may mangyari pa sa kaso o sa kotse ko...nararamdaman ko, hindi ako iniiwan ng DIYOS...thru different people, differrent situation, kinakausap NIYA ko. naniniwala akong may himala pa rin....at maghihimala pa rin SIYA talaga on my favor. maaring matagal lang....pero mag-aantay ako. ramdam na ramdam ko, may magandang mangyayari at sasabihin ko uli yung paulit-ulit yung lagi ko nang nasasambit sa buhay ko, when it rains, it pours. salamat, PANGINOON....
Posted on: Tue, 29 Oct 2013 13:24:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015