SUMALISI KAY MISIS, TINUHOG NG BALIKBAYANG MISTER Ni Nerlie - TopicsExpress



          

SUMALISI KAY MISIS, TINUHOG NG BALIKBAYANG MISTER Ni Nerlie Ledesma BALANGA CITY, Bataan --- Sa pag-aakalang masosorpresa ang kanyang misis sa kanyang biglaang pagbabalik sa bansa, muntik nang makapatay ang isang seaman nang pagsasaksakin nito ang umano’y boyfriend ng kanyang misis nang ito ang masorpresa matapos na makita sa loob ng kanilang bahay ang naturang lalaki sa isang subdivision sa Bgy. Tuyo rito kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Joel Tampis, hepe ng Bala­nga City Police, ang suspek na si Edwin Casipit alyas Alvin, 33, seaman, ng Block 4 Lot 10 Fourlane Homes, Earthfield Subd. ng nasabing barangay na agad na naaresto habang iniha­handa ang kasong frustra­ted homicide laban dito. Isinugod naman sa Bataan General Hospital si ­Arnold Sanchez alyas Bhebhe, 25, binata, glass installer at taga-Bgy. Sto. Rivas, Ba­langa City, matapos magtamo ng saksak sa ­kaliwang siko, balikat at batok. Ayon kay P/Insp. ­Janice Piga, information officer ng Bataan PNP, bago umano naganap ang insidente dakong alas-singko ng hapon nang dalawin ni Sanchez ang kanyang ‘girlfriend’ na si Benethrose Casipit, 32, na asawa ng suspek, sa bahay nito sa nabanggit na subdibisyon. Matapos ang mahi­git 3-oras o bandang alas-otso ng gabi nang ­bigla namang dumating sa ka­nilang bahay ang suspek na mahigit 9-buwang nagtrabaho sa abroad bilang seaman at hindi ipinaalam sa kanyang misis na siya ay darating para sorpresahin ang kanyang pamilya. Nang makapasok umano ang suspek ay ito ang nagulat nang makita sa loob ng kanilang bahay ang isang estrangherong lalaki (Sanchez). Tinangka ni Benethrose na magpaliwanag sa kanyang mister subalit galit ito at dire-diretsong nagtungo sa kanilang kusina at nang bumalik ay inatake ng sunud-sunod na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima. Nakahingi naman ng saklolo si Benethrose at naawat ang suspek sa pag-atake sa duguang biktima. Ayon kay P/Insp. Piga, aminado umano si Beneth­rose na boyfriend niya ang biktima habang mayroon naman silang tatlong anak ng kanyang mister. abante.ph/issue/aug2813/luzon01.htm
Posted on: Tue, 27 Aug 2013 18:03:17 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015