Sa araw araw ng aking buhay pagmulat pa lang ng aking mata - TopicsExpress



          

Sa araw araw ng aking buhay pagmulat pa lang ng aking mata nakasanayan ko nang manalangin sa Panginoon at idulog ang lahat na gusto kong ilapit sa kanya, bago ang lahat ng bagay na aking gagawin.Parang hindi completo ang araw ko at parang may kulang pagdiko nagawa ang bagay na ito.Minsan din pag nagmamadali lalot tinanghali ng gising habang kumikilos ako patuloy na nakikipagusap ang aking spiritu sa Panginoon at umuusal ako ng papuri at pasasalamat sa Diyos at kasunod ang panalangin.Sa ganung paraan lumuluwag ang aking pakiramdam at least alam kong nalulugod ang Diyos sa aking ginagawa at habang nag wowork ako umaawit ako ng masayang awit na papuri sa Diyos......Ganyan ko inienjoy ang aking buhay Kristiano sa malayong lugar na ito na walang fellowship at walang Simbahang nadadaluhan......Mapagpalang araw sa lahat ng mga kapwa ko Mananampalataya sa Ating Panginoong Diyos at sa kanyang anak na si Jesus....Sa kanya ang papuri at pasasalamat...amen.
Posted on: Thu, 04 Jul 2013 03:56:17 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015