Sa balangkas ng mabuting pamamahala, katotohanan, pananagutan at - TopicsExpress



          

Sa balangkas ng mabuting pamamahala, katotohanan, pananagutan at makabuluhang pagbabago, ang Bulacan for Truth, Justice, Accountability and Meaningful Change, isang alyansa ng mga iba’t ibang organisasyon at personalidad mula sa mga simbahan, eskwelahan, komunidad, mga propesyunal at iba na nagkakaisa sa panawagang tanggalin ang buong sistema ng pork barrel, ay magsagawa ng programang pinamagatang “Unity Walk and Prayer for Truth, Justice, Accountability and Meaningful Change”. Gaganapin ito sa darating na ika-11 ng Setyembre 2013 sa ganap na ika-8 hanggang ika-10 ng umaga. PROGRAMA Unang Bahagi: Walk for Change Assembly Point: Bulacan State University Grounds Assembly Time: 7:30 A.M. Unity Walk patungong Simbahan ng Barasoain: 8:00 A.M. Ikalawang Bahagi: Prayer for Truth, Justice, Accountability and Meaningful Change Venue: Barasoain Church, Our Lady of Mt. Carmel Parish 8:30 – 9:30 A.M. Prayer Service (Pangungunahan ng kaparian mula sa Simabahang Katolika at sasamahan ng mga pari at pastor mula sa United Methodist Church, Iglesia Filipina Independiente at United Church of Christ in the Philippines) 9:30 – 10:00 A.M. Mensahe ng Pakikiisa para sa Pagtatanggal sa Sistema ng Pork Barrel at Pagkilos laban sa Katiwalian at Korapsyon https://facebook/B4TJAM
Posted on: Mon, 09 Sep 2013 12:54:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015