Sa mga katulad kong OFW: Alam ko na hindi lahat ng OFW ay - TopicsExpress



          

Sa mga katulad kong OFW: Alam ko na hindi lahat ng OFW ay mayaman, kasi isa ako sa inyo eh. =) Alam ko marami dyang gustong tumulong sa mga kababayan nateng nasalanta ng bagyo pero yung iba baka hesitant lang dahil sa tingin nyo eh maliit lang yung ibibigay nyong tulong. NO AMOUNT IS TOO SMALL. Yung P10.00 makakabili na yan ng biskwet or instant pancit. Yung maliliit na donation pag pinagsama yan eh malaking tulong sa kanila. Please help, and act now. If you want to go one step further, why not ask your colleagues to donate. Sigurado maraming gustong tumulong sa atin, if you will just inform them and ask them. Try to write to your boss to organize a solicitation in your company. Wala naman mawawala eh. I did this, and thankfully our Chairman agreed. He even offered to do the solicitation in all our branches Kingdomwide. Crossing my fingers na sana maganda ang maging resulta. If youre an OFW and you think your donation wont matter, IT DOES MATTER. Pero kung matigas ang ulo mo at naliliitan ka talaga sa kaya mong i-donate, then try to include your friends, colleagues, your department or even your entire company. Kapalan na naten mukha naten. Minsan ok lang maging makapal ang mukha, if its for a good cause. Wag lang tayo manood, lets do something NOW ;)
Posted on: Tue, 12 Nov 2013 12:01:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015