Sa mga single. . . MABUTI NA LANG SINGLE AKO Kahit kanino, pwede - TopicsExpress



          

Sa mga single. . . MABUTI NA LANG SINGLE AKO Kahit kanino, pwede akong makipag-usap, makipagharutan, makipagtawanan, makipaglandian, at kung anu-ano pang makipag. Walang magagalit. Walang magseselos. Malaya sa kahit na anong paghihigpit ng significant other. Mabuti na lang single ako. Kahit saan at kahit kailan, makakapunta ako sa lugar na gusto kong puntahan. Walang magbabawal. Walang maghahanap. Walang maghihintay. Mabuti na lang single ako. Kahit na anong pagkain ang gusto ko, makakain ko nang walang kahati. Malalasap ko bawat kagat sa paborito kong pagkain nang walang kaagaw. Mabuti na lang single ako. Kahit na ano, magagawa ko sa pera ko. Wala akong ibang iisiping iba para bigyan ng regalo. Wala akong kailangang ilibre ng pamasahe, pagkain, at pang-sine. Mabuti na lang single ako. Kahit na sino pwede kong mahalin—the more, the merrier. Mabuti na lang single ako. ~EiNiMG~
Posted on: Sat, 06 Jul 2013 09:52:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015