Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ang san miguel. Ang dating - TopicsExpress



          

Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ang san miguel. Ang dating mga kilusang magbubukid ang naiwang sa mga nayon sila ang nagtangul laban sa mga madarambong, sinamantala ang pagkakataong walang alaga ng batas magpapatupad ng batas, sapagkat ng mga sundalo ay nagtungo sa bataan at ang mga naiwang pulis ay lumikas sa mga kabukiran at kabundukan ng San miguel, baliban sa nanunungkulang alkalde Eugenio Tecson, anak ni Mariano tecson, bunsong kapatid nina Simon at pablo tecson. May tatlong kilusang natatag sa san miguel, ang mga gerillya maka amerikano, naging tungkulin ay mangalap ng intellegence pinadadala sa australia kay MacArthur, hindi sila masigasig makipagaban sa mga hapon. Ang Hukbo Laban sa mga Hapon (HUKBALAHAP) unang tinatag sa mga nayon upang pangalagaan ang katahikan laban sa mga mandarambong, sila ay may makakaliwang paniniwala. Ang mga SAKDAL, dating mga kasapi ng kilusan laban sa mga kastila at amerikano, tinatag ni Hen. Artemio Ricarte mula sa bansang Hapon. Dahil sa paniniwalang ang bansang hapon ang makapapalaya sa Filipinas nakiisa sila sa mga Hapon at tumulong sa pagtuturo ng mga makaamerikano at ng mga Hukbalahap. Sa mga labanan nagaganap sa san miguel ay sa pakitan ng mga kilusang ito at ang nagiging biktima ay ang mga inosenteng sibilyan. Sa pamumuno ni Eugenio Tecson nagawa niya ng paraan alang paglalaban naganap sa bayan ng san miguel, sapagkat batid niya parurusahan ng mga hapon ang lahat ng mamamayan sa nayong malapit sa ginampanan ng labanan. Ang mga naging labanan kung mayroon man ay sa pagitan ng tatlong magkakatungali sa paniniwalang mga kilusan, maliban dito matamik at matiwasay ang pamumuhay sa san miguel. Nakatulong ng malaki ang dalawang magkakamaanak na sina Mateo Tecson, anak ni mariano at kapatid ni Euegenio Tecson. Si mateo ay nakapagaral sa bansang Hapon at naging bihasa sa pagsasalita ng wikang Nippongo, kinatulong ng kanyang kapatid na alkalde, tagapagsalita sa pagitan ng mga Hapon. At si Vicente Tecson tangng anak ni Pablo Tecson nagkapagaral din sa hapon at sanay sa wikang nippongo, sila ang nagpalambog sa matigas na damdamin ng mga kaaway upang mailayo sa gulo at hirap ang bayan ng san miguel. Makaraan ng ikalawang pandaigdigan digmaan marami taga san miguel hindi nalimot ang naganap sa panahon ng pananakop ng hapon at pinaghigante ang mga namatay at pinagnakawan mga kababayan. At nagpatuloy ang pamumuhay ng mga taga san miguel hangang binalik muli ang kalayaan ang ating bansa ng mga amerikano.
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 01:57:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015