Sa taong gumasgas ng kotse ko, Una sa lahat magandang gabi - TopicsExpress



          

Sa taong gumasgas ng kotse ko, Una sa lahat magandang gabi sayo.... gusto kong malaman mo na ang desisyon mong pinsalain ang sasakyan ko ang pinaka bobong paraan para ipakita mo ang inggit at katangahan mo.... kung gusto mo sanang maging malaking issue ka sa akin sana sumunog ka nalang ng gulong ng sasakyan na makakasira sa ozone layer, okaya naman umihi ka sa pader na bawal pagtapunan ng basura, siguro maaasar mo pa ako... haha pero sa kabaklaang ginawa mo na pag gasgas sa sasakyan ko naituro mo sa akin na kapag may nakitang umaasenso talagang merong taong maiinggit at magagalit sa iyo sa kadahilanang di nila matanggap sa sarili nila na hanggang ngaun ay alipin parin sila ng pagka inutil nila.... imbes na mainggit ka o magalit sa akin sana tanungin mo nalang ako kung pano ko ginawa, sigurado naman ako na ituturo ko sayo. At tutulungan pa kita... Libre ako kausapin,! Actually pwede ka ngang magkumpisal sa akin ng kabadingan mo eh... tatanggapin ko naman. Okaya kung gusto mo ng bagong hobby pwede kita bilhan ng aso para magtahulan kayo! Haha Mas masahol pa sa hayup ang ugali mo pero pagbibigyan kita. Pero payo ko lang sayo pre baguhin mo gawain mo na yan, hindi ka uunlad kapag ganyan ka magisip at ganyan ka kumilos. Hayaan mo hindi ako galit sayo, pinapatawad na kita. Kailangan mo lang ng kalinga ng isang kaibigan kaya ka nagkakaganyan. Welcome ka sa group of friends ko kung marunong ka ng magisip. At alam mo na ang kaibahan ng respeto at asal aso. P.S. sana nilaliman mo ung gasgas para di sya basta basta nabubura. Para pag nakita mo kotse ko lagi mong maiisip ung kabadingan na nagawa mo. Hehe....
Posted on: Wed, 18 Sep 2013 19:13:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015