Sa tatlong daang boto nung akoy unang tumakbo, hindi lahat - TopicsExpress



          

Sa tatlong daang boto nung akoy unang tumakbo, hindi lahat nakaboto ulit sapagkat ang bulto ng aking botante noon ay na-relocate nang mga nakalipas na taon. Ang tunay na pagkapanalo na aking nadarama ngayon ay ang boto na aking natanggap sa mga lugar na akoy dating hindi malakas. Kung kwekwentahing maigi, may 450 votes ang dumagdag sa aking muling pagkapanalo. Bawat isang boto niyo ay naging mahalaga sa aking pagkapanalo at akoy lubos na nagpapasalamat sa aking mga kabarangay. Muli, salamat sa aking mga ka-baranggay sa inyong pagitiwala! Sa panalo ng pinakabatang lumaban, Sa panalo ng hindi kalakihang angkan, Sa panalo na mas maraming napaniwala sa unang pagkaupo, Sa panalo na hindi naglabas ng pera, Sa panalo sa tao, Para sa mga ka-barangay ko po ito at asahan niyo na lalo kong pagbubutihan sa aking pangalawang termino. Maraming salamat Barangay Sto Rosario Kanluran!
Posted on: Fri, 01 Nov 2013 05:40:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015