Salvage victim itinapon sa Ermita, Maynila by Jocelyn - TopicsExpress



          

Salvage victim itinapon sa Ermita, Maynila by Jocelyn Tabangcura-Domenden & Ivan Gaddia Oct 25, 2013 6:01pm HKT DALAWANG tama ng bala ng baril sa leeg at ulo, nakatali ang mga kamay sa likod at binalutan ng packing tape ang mukha nang makita ang bangkay ng isang lalaki na biktima ng summary execution sa Ermita, Maynila kagabi. Inilarawan ang biktima na nasa edad 35-40, may taas na 5’10″, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo sa dibdib na “Romeo Magleo”, nakasuot ng itim na t-shirt na may tatak na Cosac Vodka, violet na jersey na may tatak na Los Angeles Lakers. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang pamamaril. Sa report, alas-8:30 kagabi nang natagpuang patay na ang biktima sa Perez St., Ermita, Manila. Nauna rito, isang sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ng ilang barangay tanod sa Barangay 674 Zone 73 kaya pinuntahan nila ang lugar at natagpuang patay na ang biktima. Patuloy namang nangangalap ng impormasyon ang pulisya sa motibo sa pagpatay sa biktima. Remate
Posted on: Fri, 25 Oct 2013 13:20:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015