Sarah G nominado sa 2013 MTV EMA MANILA, Philippines – Nominado - TopicsExpress



          

Sarah G nominado sa 2013 MTV EMA MANILA, Philippines – Nominado ang popstar princess na si Sarah Geronimo para sa Best Southeast Asia Act ng MTV Europe Music Awards (EMA). Nakalagay sa website MTV EMA ang mga natanggap na pagkilala ni Sarah kabilang ang Best Asian Artist (Philippines) sa 2012 MNet Asian Music Awards na ginawa sa Hong Kong, kung saan siya aang kauna-uhanang Pinoy na nakatanggap ng parangal. Nakalista rin ang anim na pagkilalang natanggap ni Saraha sa Awit Awards mula noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya. Noong 2003 ay tinanggap ni Sarah ang Most Promising Female Entertainer, at nagsunod-sunod na ito: Entertainer of The Year at Record Breaker (2010; Best in Collaboration For A Concert for What Love Is in 2011; Best Female in Major Concert para sa 24/SG at Best Selling Album of the Year for “One Heart” (2012). Pinarangalan din si Sarah noong 2004 ng Nickelodeon Philippines bilang ‘Kids’ Choice Award. Kasama ni Sarah sa mga nominado para sa Best Southeast Asia Act sina Hafiz ng Malaysia, NOAH ng Indonesia, Olivia Ong ng Singapore, Slot Machine ng Thailand at My Tam mula ng Vietnam. philstar/psn-balita-ngayon/2013/09/18/1224771/sarah-g-nominado-sa-2013-mtv-ema Admin Lhey^_^
Posted on: Wed, 18 Sep 2013 08:09:18 +0000

Trending Topics



ht:30px;"> Dodge Hemi On Polished License Plate CHECK PRICE! >>

Recently Viewed Topics




© 2015