Saudi princess kinasuhan sa human trafficking Ipinagharap ng - TopicsExpress



          

Saudi princess kinasuhan sa human trafficking Ipinagharap ng kasong human trafficking nitong Miyerkules ng prosecutors ang isang Saudi princess na inakusahan ng pagbitbit ng isang babaeng Kenyan at sapilitang pagpapatrabaho dito sa isang condominium sa California. Kinilala ni Orange County District Attorney Rackauckas ang inakusahan ng human trafficking na si Meshael Alayban, 42, na isang prinsesa ng Saudi Arabia. Kapag napatunayang nagkasala ay makukulong siya ng hanggang 12-taon. Si Alayban ay isa umano sa mga asawa ni Saudi Prince Abdulrahman bin Nasser bin Abdulaziz al Saud, ayon sa district attorney’s office. Inaresto si Alayban matapos na parahin ng Kenyan na may bitbit na maleta ang isang bus noong Martes at sinabihan ang isang pasahero na biktima siya ng human trafficking. Tinulungan ng pasahero ang Kenyan na makapagsumbong sa pulisya dahilan kung kaya’t siniyasat ng mga awtoridad ang isang condominium sa Irvine, California kung saan tumutuloy si Alayban at ang kanyang pamilya. Isinalaysay ng 30-anyos na babaeng Kenyan na inupahan siya sa kanilang bansa noong 2012 at kinuha ang kanyang pasaporte pagdating sa Saudi Arabia. Puwersahan siyang pinagtrabaho ng walang pahinga ngunit hindi naman ibinibigay ang suweldo na ipinangako sa kanya at hindi rin pinapayagang makapagbakas­yon, ayon sa mga awtoridad. “This is not a contract dispute,” pahayag ni Rackaucas sa pagdinig ng korte nitong Miyerkules kung papayagang makapagpi­yansa ang Saudi princess. “This is holding someone captive against their will.” Nangangamba ang mga prosecutor na makatakas si Alayban kapag nakapagpiyansa ito kaya bukod sa $5 milyong piyansa ay ipinag-utos din ng hukuman na magsuot siya ng GPS monitoring device at pinagbawalang umalis ng Orange County nang walang pahintulot. Samantala, nang magsiyasat sa condominium ni Alayban ang mga awtoridad ay natagpuan din dito ang apat na Pinay nang dumating ang mga pulis. “Authorities said they found four Filipino women in the Irvine home who also may have had their passports seized by Alayban’s family and an investigation is under way whether others were involved in the alleged human trafficking scheme,” ayon sa ulat ng ilang international news agency.
Posted on: Fri, 12 Jul 2013 01:42:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015