Sharing my thoughts upon my retirement... "Batingaw" - Sinulat ni - TopicsExpress



          

Sharing my thoughts upon my retirement... "Batingaw" - Sinulat ni Boyet Diawatan Tandang tanda ko pa nung ako’y lumisan. Dala dala’y dalawang bagaheng puno ng damit at pang-ginaw. Matagal na panahon narin ang lumipas, ngunit sa ala-ala ay laging sariwa. Ang paglisan ko sa Bayang kong pinakamamahal. Bagamat hinggil sa sarili kong pag ayon, ay napilitan upang harapin ang tinatakda ng panahon. Walang kasiguruhan ngunit matatag ang pag hawak sa matuwid na pangarap. Lumipas ang mga pagsubok na tinawid ng buong buong pagkikipagtahak sa tulong ng aba pong pinangingilingan. Natupad at nakamtan ang pang sariling kaligayahan at natagpuan ang kabiyak sa daang binaybay. Napag iwanan ang pagnanasang bumalik sa pinanggalingan, na-aliw sa buhay karangyaan. Nalimutan na ang buhay ng mga kakulay na i-adya sa nalugmok na kahirapan. Ngunit sa pagbulong ng hangin, ako’y muling nagising. At sa bawat hakbang ko sa tuwi-tuwi na ay patungo sa kanila, mga kababayang kong iniwanan. At sa aking patuloy na nais na maibsan sila ng magandang pamumumuhay, kahit aking ikamatay, ay marahil walang imbot kong ibibigay. Sa katapusan ng aking pagpupunyagi, pagkaraan ng mahabang panahon ay masasabi ko paring di pa man huli ang lahat, sa tapat kong hangarin. Malapit ng matupad ang itinakdang pinangarap… Panahon na marahil upang bagtasin ang dilim, na bumabalot na maituturing saklaw, sa pagdinig ng alingaw-ngaw ng matagal nang nanahimik na iniwang kong Batingaw. ============ + ===============
Posted on: Thu, 20 Jun 2013 04:03:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015