Si Mariano Ponce ay ipinanganak sa Baliwag, Bulacan noong ika-22 - TopicsExpress



          

Si Mariano Ponce ay ipinanganak sa Baliwag, Bulacan noong ika-22 ng Marso 1863 sa mga magulang na Mariano Ponce at Maria Collantes delos Santos. Siya ay nakilala bilang propagandista, manunulat, manggagamot, at tanyag na repormista. Siya ay unang nag aral sa kanyang sariling bayan at nakapagtapos ng mataas na paaralan sa isang pribadong paaralan na pag aari nina Juan Evangelista, Hugo Ilagan at Escolastico Salandanan. Siya ay nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Colegio de San Juan de Letran at nagpatuloy pa rin siya sa pag-aaral sa Unibersidad Central de Madrid kung saan siya ay nagtapos ng kursong medisina. Noong siya ay nasa Espanya sumali siya sa kilusan ng propaganda bilang isang tagapatnugot na La Solidaridad at naging kasapi ng Association Hispano-Filipino. Nakapaglakbay siya sa Canton, Handow, Hongkong, kung saan nakaharap niya si Hen. Emilio Aguinaldo, sa Indo-China at Shanghai, kung saan naman nakilala niya si Sun Yat-Sen, ang nagtatag at Unang Pangulo ng Republika ng Tsina. Noong 1898 ng Hulyo, ipinadala siya sa bansang Hapon upang makipag-ugnayan sa mga opisyales ng bansang Hapon. Dito napangasawa niya si Akiyo Udangawa at nagkaroon sila ng apat na anak. Siya ay nagsilbi bilang isang mambabatas sa ikadalawang distrito ng Bulacan simula 1908 hanggan 1912. Siya ay namatay sa sakit na tuberculosis noong ika-23 ng Mayo 1918.
Posted on: Mon, 23 Sep 2013 11:19:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015