Signal no. 1 itinaas na sa N. Luzon by Robert Ticzon Jul 16, - TopicsExpress



          

Signal no. 1 itinaas na sa N. Luzon by Robert Ticzon Jul 16, 2013 11:23am HKT UPADATE: Itinaas na ng state weather bureau ang public storm warning signal number 1 sa ilang parte ng Northern Luzon kasunod ng pagiging ganap na bagyo o tropical depression ng isang a low pressure area sa silangang bahagi ng bansa. Sinabi ng PAGASA na ang tropical depression, na may locally codenamed na “Isang”, ay namataan sa layong 300 kilometers silangan ng Infanta, Quezon ng alas 4 a.m. na may packing maximum winds na 45 kilometers bawat oras malapit sa sentro. Kabilang sa mga probinsyang nasa ilalim ng signal no. 1 ay ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Ifugao, Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan group of islands, Isabela, Quirino, Aurora, Mt. Province, Kalinga, Apayao. Sinabi ng PAGASA na ang mga lugar na nasa ilalim ng signal no. 1 ay umasang makararamdam ng 45 hanggang 60 kph na lakas ng hangin. Inaalerto naman ang mga residenteng nakatira sa mababang lugar at bulubunduking lugar laban sa posibleng flash floods at landslides. Kumikilos ang tropical depression ng pa kanluran hilaga- kanluran sa bilis na 19 kph. Sinabi ni PAGASA forecaster Samuel Duran, na kapag napanatili ni Isang ang kanilang vilis at direksyon, tatami ito sa kalupaan ng Isabela. Ang tropical depression ay inaasahang nasa 20 kms silanga ng Tuguegarao City sa Miyerkules ng umaga, at 230 kms hilaga kanluran ng Itbayat, Batanes sa Huwebes ng umaga. ~crystal~
Posted on: Tue, 16 Jul 2013 04:30:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015