Signal number three. Supposedly walang pasok, pero nandito ako sa - TopicsExpress



          

Signal number three. Supposedly walang pasok, pero nandito ako sa school ngayon, nakatayo sa may faculty sa second floor habang pinapanood ang walang habas na pagbagksak ng ulan mula sa kalingitan. Tulad ng mga nagdaang panahon, naalalala ko na naman bigla si Andrew. Si Andrew ang unang lalaking nagpatibok sa mura kong puso. Hindi ko alam kung paano iyon nagsimula, unang-una mali dahil mahal siya ng kaibigan kong si Pea. Ayokong masaktan si Pea kaya ginawa ko ang lahat para makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Sa loob ng ilang panahon ay nagtagumpay ako, nakatayo ako sa tabi nila habang tinitingnan ang best friend kong mahalin ang taong mahal ko. Sa kalagayan ko, isang tao lang ang siguradong nakakaintindi sa akin, si Mark na sa kasamaang palad ay nagmamahal ng lihim sa matalik kong kaibigan. Labing dalawang taon na ang nakakaraan. Wala na akong balita kahit na ano sa kahit na kanino sa kanila. Ako nandito pa rin naman ako sa dati naming school, ang pagkakaiba, teacher na ako. Hindi na ako ang dating si Grace na nagmahal at nasaktan, minahal at nakasakit, iba na ako at alam kong ganoon rin sila...
Posted on: Mon, 24 Jun 2013 07:19:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015