Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon? Bakit at Paano - TopicsExpress



          

Sino ang Gumagawa ng Kalooban ni Jehova Ngayon? Bakit at Paano Itinatayo ang mga Kingdom Hall? Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalang Kingdom Hall, ang pangunahing salig-Bibliyang bagay na itinuturo doon ay ang Kaharian ng Diyos—ang tema ng ministeryo ni Jesus.—Lucas 8:1. Sentro ng tunay na pagsamba sa komunidad. Sa Kingdom Hall isinasaayos ng mga Saksi ni Jehova ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian sa isang partikular na lugar. (Mateo 24:14) Iba-iba ang laki at disenyo ng mga Kingdom Hall, pero lahat ay simple lamang. Marami sa mga ito ang ginagamit ng dalawa o higit pang kongregasyon. Nitong nakalipas na mga taon, nakapagtayo kami ng sampu-sampung libong bagong Kingdom Hall (mga lima bawat araw) para makaalinsabay sa pagdami ng mga kongregasyon. Paano ito naging posible?—Mateo 19:26. Itinatayo mula sa mga donasyon. Sa bawat Kingdom Hall, may kahon ng kontribusyon para sa Pambuong-Daigdig na Pagtatayo ng mga Kingdom Hall. Ang mga donasyong ito ay ipinadadala sa tanggapang pansangay. Ipinahihiram ang pondo nang walang interes sa mga kongregasyon na kailangang magtayo o magpaayos ng Kingdom Hall. Itinatayo ng walang-bayad na mga boluntaryo na iba’t iba ang kalagayan sa buhay. Sa maraming lupain, may inoorganisang mga Kingdom Hall Construction Group. May mga grupo ng construction servant at boluntaryo na lumilipat-lipat ng kongregasyon sa isang bansa, kahit sa mga liblib na dako, para pangunahan ang bawat proyekto at sanayin ang mga Saksi sa lugar na pinupuntahan nila. Sa ibang lupain, may inatasang mga Regional Building Committee para mangasiwa sa pagtatayo at pagkukumpuni ng mga Kingdom Hall sa mga lugar na sakop nila. Ang mga elder na makaranasan sa pagtatayo ang nangangasiwa sa mga kongregasyon sa lahat ng yugto ng proyekto. Nagboboluntaryo naman ang may-kasanayang mga manggagawa. Sa bawat proyekto, karamihan ng nagtatrabaho ay mga miyembro ng kongregasyong gagamit sa itinatayong Kingdom Hall. Ang lahat ng ito ay naging posible sa tulong ng espiritu ni Jehova at sa buong-kaluluwang pagsisikap ng kaniyang bayan.—Awit 127:1; Colosas 3:23.
Posted on: Sat, 13 Jul 2013 06:48:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015