So naka abante sa World Chess Cup subalit Barbosa at Paragua - TopicsExpress



          

So naka abante sa World Chess Cup subalit Barbosa at Paragua talsik na Nakaungso si Filipino Grandmaster Wesley So kontra kay GM Alexander Ipatov ng Turkey, 1.5-0.5, para makausad sa second round ng 2013 World Chess Cup sa Scandic Hotel sa Tromso, Norway. Ang 33th seed So (ELO 2708), isa sa most popular young players dito ay giniba si 96th seed Ipatov (ELO 2583) sa kanilang first game ng standard play matapos ang 45 moves ng Petroff Defense nitong Linggo tangan ang puting piyesa. Ang tabla sa second match nitong Lunes ay nagbigay daan sa 19-year-old Filipino sensation para masipa ang 20-year-old Lviv, Ukraine born Ipatov, ang reigning World Junior champion. Natapos ang second match sa 59 moves ng Grunfeld Defense, Exchange Variation kung saan tangan ni So ang itim na piyesa. Susunod na makakalaban ni So ang mananalo sa pagitan nina No.32 seed GM Evgeny Tomashevsky ng Russia (ELO 2709) at No. 97 GM Alejandro Ramirez (ELO 2583) ng Estados Unidos. Nauwi sa tabla ang laban nina Tomashevsky at Ramirez ang kanilang two-game standard play para mapuwersa sa rapid playoff Martes ng gabi. Lubos naman ang kagalakan ni Zone 3.3 President at 7th district Cavite Rep. Abraham "Bambol" Tolentino Jr., sa panibagong tagumpay ni So. "Wesley So deserves attention in the Philippines because he is so young and a good inspiration. Chess is one of the only sports that Philippines has the chance." sabi ni Tolentino, Secretary-General ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at long-time chess patron ni So. Sa 2011 Khanty Mansiysk, Russia edition, yumuko si So kay top seed Ukrainian GM Sergey Karjakin sa kanilang blitz tie-break sa second round. Sa 2009 Khanty Mansiysk, Russia edition, pinasuko ni So si former world championship candidates GM Vassily Ivanchuk ng Ukraine, 1.5-.0.5, sa second round at American GM Gata Kamsky, 1.5-.5 sa third round para maka abot sa quarterfinals. Naputol ang kanyang Cinderella run ni GM Vladimir Malakhov ng Russia, 4-1 sa rapid tiebreak. Dalawa pang Filipino campaigners an sina 100th seed GM Oliver Barbosa (ELO 2572) at 110th seed GM Mark Paragua (ELO 2545) ang hindi pinalad at nagsimulang mag-impake ng gamit sa 128-player, knockout-style event na inorganisa ng FIDE (World Chess Federation) nitong Lunes. Tiklop si Barbosa kay 29th seed GM Le Quang Liem (ELO 2712) ng Vietnam habang nadapa naman si Paragua kay 28th seed GM Dmitry Jakovenko ng Russia (ELO 2724) sa kanilang two-game standard play na may similar 0-2 score. Ang kampanya ng bansa ay suportado nina former Surigao del Sur Rep. Prospero "Butch" Pichay Jr., 7th district Cavite Rep. Abraham "Bambol" Tolentino Jr., Bayan Muna Party-List Rep.Neri Javier Colmenares at GM Jayson Gonzales ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC). Walang kahirap-hirap din si top seed GM Levon Aronian (ELO 2813) ng Armenia na pasok sa second round. Ang boyfriend ni Fil-Australian Arianne Caoili ay winasiwas si Mikhail Markov (ELO 2304) ng Kyrgyzstan, 2-0. Ang iba pang notable woodpushers na pasok sa next round ay si 2nd seed GM Fabiano Caruana (ELO 2796) ng Italy na ungos kay IM G. Kash (ELO 2340) ng India, 1.5-0.5, si 3rd seed GM Valdimir Kramnik (ELO 2784) ng Russia na pinulbos si Zone 4.3 Chess Championship ruler no rating FIDE Master Gillian Bwalya ng Zambia, 2-0, 4th seed GM Alexander Grischuck (ELO 2780) ng Russia na winasak si IM Igor Bjelobrk (ELO 2341) ng Australia, 2-0, at 5th seed GM Hikaru Nakamura (ELO 2772) ng Estados Unidos na pinulbos si WGM Deysi Cori (ELO 2439) ng Peru, 2-0. Maganda din ang nilalaro ng mga kababaihan sa World Cup ayon kay US based Filipino Herky Del Mundo tungo sa rapid playoff Martes ng gabi. Nakatabla si former women world champion GM Hou Yifan ng China drew kay GM Alexie Shirov ng Latvia, at nakasilat si current world champion GM Anna Ushenina ng Ukraine sa kanyang second game kay GM Peter Svidler ng Russia. Panalo si Svidler kay Ushenina sa kanilang first encounter dito.
Posted on: Tue, 13 Aug 2013 05:24:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015