So, sumuko na pala ang malditang si JANET LIM NAPOLES kay PNoy at - TopicsExpress



          

So, sumuko na pala ang malditang si JANET LIM NAPOLES kay PNoy at Mar Roxas kagabi. Narito ang aking mga saloobin ukol sa pangyayaring ito: 1. Bakit kay PNoy at Mar siya sumuko? Feeling ba niya eh maililigtas si Miss Piggy (Napoles) nina Batman (PNoy) at Robin (Mar)? 2. Di dapat bigyan ng special treatment ang bruhang si Miss Piggy dahil ang dami na niyang ninakaw sa bayan eh sa magandang kulungan pa siya ilalagay. 3. Di siya dapat gawing Star Witness sa isyu na ito para lang makapagturo ng mga kasabwat niya. Kung ayaw niyang magtapat ay ihawin siya at ipakain sa mga sharks. 4. Dapat PLUNDER, MURDER, HOMICIDE at iba pang mga kaso ang isampa laban sa kanya. Bakit? Dahil sa dami ng ninakaw niya (PLUNDER) ay nagkakamatay sa gutom (MURDER AT HOMICIDE) ang maraming mahihirap na Pilipino. 5. Malamang nangangatog na ang tuhod ng mga damiuhong mandarambong na kasabwat ni Miss Piggy at nagsisimula nang mag-deposit ng pera sa ibang bansa upang itago ang kanilang mga yaman. 6. Kung mapatunayan, at talaga namang guilty si Miss Piggy, ay papipilahan natin siya kasama ng mga magnanakaw na mababatas sa Luneta sa lahat ng mga taxpayers na ninakawan nila at kukurutin sila ng pinong-pino. Tingnan ko lang kung hindi mamatay ang mga hinayupak na sa yan sa pagkaubos ng dugo nila. 7. Samsamin dapat ang kayamanan nilang lahat at ipamahagi sa mga taxpayers bilang bonus sa tapat na pagbabayad ng buwis. 8. Dapat na i-encourage lahat ng mga taxpayers na mag-donate na directly sa mga legitimate foundations na tumutulong ng wagas sa mga mahihirap dahil ang donations na ginagawa nila ay tax deductable. 9. Huwag sanang pagtakpan ni Batman (PNoy) at Robin (Mar) ang kanilang mga kaalyado. 10. Effective agad dapat ang pagtanggal sa PDAF/Pork Barrel. Mali ang sinasabi ni PNoy na mas alam ng mga mambabatas ang pangangailangan ng mga constituents nila. Case in point: nung nagalit si PNoy kay Mitos Magsaysay ay tinanggalan nila ito ng PDAF. Siyempre umiyak ang lola ninyo kasi nawalan siya ng pagkakakitaan pero nagpaliwanang si Sec. Abad na yung PDAF ni Magsaysay ay pinadaan sa DPWH, DSWD at iba pang ahensya ng pamahalaan upang tulungan ang mga pinaglilingkuran niya. So, pwede naman palang tanggalin di ba? 11. Dapat ay walang nang paglilitis pa na maganap. Kapag mali ang sagot ay GUILTY na agad. Gagasta na naman ang pamahalaan sa pagpapakulong sa mga iyan. 12. Dapat umorder na si Miss Piggy at ang mga kasabwat niya ng mga motorized wheelchair para naman sosyal sila sa pagda-drama nila na may sakit sila. 13. Yung mga pari na nasa payola ni JLN at dapat parusahan. Kinakampihan pa ang magnanakaw at ang perang ibinibigay sa kanila ay galing sa nakaw. 14. Di lang buong bayan ang kalaban ng mga mandarambong na ito, pati Diyos ay damay na. (sabi yan ni Cardinal Tagle) 15. Pagod na ako.
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 07:02:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015