Steps Of Moving On •Moving on stage 1 – REMINISCE Isa sa - TopicsExpress



          

Steps Of Moving On •Moving on stage 1 – REMINISCE Isa sa pinakamahirap na prosesong kailangan mong pagdaanan ay ang magmahal ng todo at masaktan ng “mas” todo kapag dumating na ang araw na kayo’y kailangan ng maghiwalay. Minsan akala mo na kaya mong mag move on ng overnight na sasabihin mo pa “Isang iyakang malupit lang to” tapos kinabukasan gigising ka na lang na parang walang nangyari. Then you’ll find out MALI KA PALA kasi lahat ng bagay dumadaan sa proseso. Walang instant sa mundo – kahit ang paglimot. •Moving On Stage 2 – Depression Darating sa puntong ibang level na ang pagkalungkot mo. Na ang pag-iyak ay bigla-bigla na lang naging parte na nang bawat ginagawa mo. Kung di ka nainom papasok sa isip mo ang mag-inom , kung talagang nag-iinom ka naman – - ayun . PARTY! PARTY! Para kang nagcecelebrate sa dalas mong mag-inom. Instant member ka na ng mga sunog baga sa kanto nyo. •Moving on Stage 3 – Bitterness Walang oras na hindi siya sumasagi sa isip mo. Minsan ikaw na lang ang gumagawa ng dahilan para maisip siya kasi alam mong yun na lang yung meron ka na hindi kailanman mawawala – yung alaala habang kasama mo siya. Moving On Stage 4 – Exhaustion •Kagaya ng Isang Construction Worker na magdamag naghalo ng semento at nag-inom pagkatapos ng trabaho darating ka rin sa puntong mapapagod ka. Mapapagod sa pag-eeffort , mapapagod maghintay, mapapagod umasa , at mapapagod masaktan. Ito yung oras na mararamdaman mo napapagod ka na rin mahalin siya. •Moving on Stage 5 – Letting Go Lahat ng bagay may katapusan , kumbaga sa stories ending, sa pag-aaral graduation , sa laro gameover , sa load *checkop* , sa magsyota break-up , sa trabaho resignation o kaya termination ( you’re fired! Kuha mo?) at sa buhay kamatayan. Tapos na ang climax ng iyong pelikula , tapos na ang senti mode na nakakaumay , tapos na ang pagpapanggap na ok ka kasi ngayon ok ka na talaga. Sa pelikulang ikaw ang nag produce at ikaw din ang bida – tapos na ang heavy drama , you have done your part . At dahil ikaw din ang namili ng nominees sa mga awards na lahat ay winner by default, ikaw ang napili at nanalo bilang best actor. =reborn=
Posted on: Sun, 20 Oct 2013 20:37:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015