Storm signal no. 4, nagbabanta; Visayas at Bicol, pinaghahanda By - TopicsExpress



          

Storm signal no. 4, nagbabanta; Visayas at Bicol, pinaghahanda By dzmm.ph | 06:35 AM 11/05/2013 Share on facebook Share on email Share on twitter Share on print Share on gmail Share on stumbleupon More Sharing Services Sunod-sunod na ang babala ng PAGASA hinggil sa posibleng pagtama ng napakalakas na bagyo sa Visayas at Bicol Region. Sunod-sunod na ang babala ng PAGASA hinggil sa posibleng pagtama ng napakalakas na bagyo sa Visayas at Bicol Region. Sinabi ni PAGASA Weather Forecaster Buddy Javier sa panayam ng DZMM na sa ngayon, nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Tropical Storm Haiyan. Huli itong namataan sa layong 2,026 kilometro silangan ng Mindanao. Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 115 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 145 kilometro bawat oras. Inaasahang lalakas pa ito habang binabaybay ang karagatan at kapag umabot ng 120 kilometro bawat oras ang taglay nitong lakas ng hangin, ituturing na itong isang typhoon. Ayon pa kay Javier, Huwebes inaasahang papasok sa PAR ang bagyo at tatawagin nang Yolanda. Una namang inihayag sa DZMM ni weather forecaster Connie Dadivas na posibleng pumalo sa signal no. 4 ang bagyo sa pagpasok nito sa bansa. Batay sa pagtaya ng PAGASA, posibleng mag-landfall sa Samar, Leyte ang bagyo Biyernes ng hapon at didiretso sa Bicol Region saka lalabas ng Mindoro. Bagamat walang direktang epekto sa Metro Manila, magdadala pa rin ito ng pag-ulan sa rehiyon dahil mahahagip ito ng lawak ng kaulapan ng bagyo. Agad namang tumugon ang Bicol sa babala ng bagyo. Puspusan na ang paglilinis ng mga estero partikular sa barangay Oro Site sa Legazpi City lalot bahain ang nasabing lugar. Handa na rin ang rescue equipments gaya ng salbabida, life jacket, mga lubid at medical kit. Naka-blue alert na o nasa intense monitoring ang Office of the Civil Defense ng Bicol. Siniguro ng lokal na pamahalaan na magpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga lugar sa Albay na delikado sa pagbaha at landslide gayundin sa palibot ng Bulkang Mayon. Ang sagot sa zero casualty ay preemtive evacuation so maaga pa lang dapat paghandaan na, sabi ni Raffy Alejandro, regional director ng OCD-Bicol. Sa Sorsogon, pupusan na rin ang paghahanda ng Provicial Disaster Risk Reduction and Management Office. Naghahanda na rin ang mga taga-Bohol sa posibleng epekto ng paparating na bagyo. Ayon sa PAGASA, posibleng mahagip din ito ng bagyo kapag tumama na sa lupa. Pinatigil na ang pagtawid ng mga bangka sa may gumuhong Abatan Bridge dahil sa lakas ng agos ng tubig. Isinara na rin ang ilang kalsada sa mountain barangays. Handa na rin ang rescue boats ng Coast Guard at ng Philippine Navy sakaling kailanganin. Itinaas na rin naman sa blue alert ang ilang tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda lalot ipinatitiyak ni Pangulong Noynoy Aquino ang zero casualty sa pagtama ng malkaas na bagyo.
Posted on: Tue, 05 Nov 2013 23:51:56 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015