Sundalong Kanonagmistulang ‘hero’ (Al Jacinto) ABANTE NEWS - TopicsExpress



          

Sundalong Kanonagmistulang ‘hero’ (Al Jacinto) ABANTE NEWS ONLINE ZAMBOANGA CITY --- Nagmistulang bayani kahapon ang isang sun­dalong Kano matapos nitong tulungan ang isang lalaki na nabagok ang ulo sa kalsada at nawalan ng ulirat matapos na mahulog mula sa tricycle sa Zamboanga City. Nakilala ang biktima na si Vincent Amet at isinugod ito sa pagamutan matapos na mabigong magising sa malakas na pagkakabagok ng ulo. Lupaypay rin ito habang binubuhat ng Kano at ng driver ng tricycle mula sa gitna ng kalsada hanggang sa bangketa. Tiyempong nasa lugar ang sundalong Kano at kanyang mga kasamahan na sakay ng isang van at pick-up truck nang maganap ang aksidente kung kaya’t mabilis na nakaresponde ang dayuhan. Mabilis namang umalis ang sundalo bago pa man magdatingan ang mga usisero at ayon sa kasamahan ng biktima ay hindi na nila napasalamatan ang dayuhan, ngunit malaki umano ang kanilang paghanga sa ginawa nitong kabutihan. Naka-deploy sa Zamboanga at iba pang bahagi ng Mindanao at Sulu archipelago ang mga sundalong Kano na bahagi ng Joint Special Operations Task Force-Philippines upang magbigay ng training sa mga tropang Pinoy sa pakikibaka sa terorismo. ~angel~
Posted on: Thu, 05 Sep 2013 02:26:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015