Sweet Stranger – Chapter 1 Sa likuran niya ay rinig niya ang - TopicsExpress



          

Sweet Stranger – Chapter 1 Sa likuran niya ay rinig niya ang yapak ng mga lalaking hayok sa laman. Banaag sa mapupula nilang mata ang pagnanasa sa murang katawan niya. Sa edad na sampu ay napakakinis ng maputing balat niya. Masarap hipuin… marahil ay yun ang nasa isip ng apat na lalaking halatang lasing at mukhang naka-droga pa. Nang lingunin niya ang kanyang likuran ay lalo siyang naiyak sa takot. Paano’y malapit na siyang abutan ng mga lalaking iyon. Mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. Wala siyang pakialam kung madapa man siya at madungisan ang maganda niyang kutis. “Huli ka!” sigaw ng lalaking pinakamatangkad sa apat ng mahagip nito ang laylayan ng kanyang uniporme dahilan upang masubsob siya sa malamig na sementadong kalsada. Hinaltak ng medyo may katabaang lalaki ang kwelyo ng kanyang uniporme. Kinaladkad siya nito papunta sa gilid ng daan, sa may damuhan—sa mas madilim na parte ng lugar na iyon… “Haaaa—-” Hinihingal na nagising si Monday mula sa himbing niyang pagtulog. Bangungot—binabangungot na naman siya. Palagi na lamang siya dinadalaw ng masamang alaalang iyon. Fifteen years ago, siya ay naging biktima ng gang rape. Matapos mawalan ng malay ay hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari. Nagising na lamang siyang nasa hospital na, sa piling ng kanyang mga magulang. Matagal siyang sumailalim sa therapy upang makalimutan ang pangayayaring iyon, but it seems like she hadn’t totally recovered. Naroon pa rin ang takot sa tuwing maalala niya ang insidenteng iyon. Sanhi nito’y naging ilag siya sa mga istranghero lalong lalo na sa mga lalaki. Maging ang daddy at tatlong kuya niya ay hindi niya ganun ka-close. Sabi ng psychiatrist niya ay Xenophobia ang tawag sa ganoong uri ng takot. Hindi niya alam kung kailan niya ma-oover come ang takot na iyon. As a defense mechanism naging mataray at suplada siya. Kokonti lamang ang nakaka-alam ng tunay niyang ugali—a sweet girl. Mahihinang katok sa pinto ang pumukaw sa pag-iisip niya, “Sino ‘yan?” “Ako ito anak, si mommy,” bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanyang butihing ina na nakadamit pangtulog pa. “What’s wrong? I heard you screaming, nightmares again?” Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa kama. Ayaw niyang mag-alala ito kaya iniba nalamang niya ang usapan, “Aalis ako by 10 am, mommy. Nariyan na po ba sila Lester?” Si Lester ay ang tumatayong head bodyguard niya. She grew up having bodyguards around her since that traumatic incident. Natakot na ang kanyang mga magulang na muling maulit ang masalimuot na insidenteng iyon. Hindi na siya naiilang sa mga ito dahil nasanay na siya, 10 years old pa lamang siya ng maging bodyguard si Lester. Malakas itong napabuntong hininga. “Oo, nariyan na sila.” Hindi na lamang ito nag-usisa dahil ayaw din ng ginang na masyadong matakot ang anak. Ilang sandal pa’y lumabas na rin ito ng kwarto ng dalaga. AT THE AGE of 25 ay isa na siyang successful writer. She was able to publish three bestselling novels. All were highly acclaimed and well praised. Ito ang linyang pinasok niya dahil bukod sa sarili niya ang oras ay hindi na niya kailangan pa makihalubilo sa ibang tao. May mga pagkakataon nga lamang na kailangan niyang humarap sa ibang tao to promote her works. Tulad ngayong araw na kailangan niya umattend ng press conference for the press release of her fourth novel. “Nandito na tayo, ma’am Mondy” pukaw ni Lester sa kanya. Nang tumingin siya sa tinted glass ng kotse ay naka-park na nga sila. Pinagbukas naman siya ng pinto ni Bong, ang isa pang bodyguard niya. Agad siyang bumaba bago pa may makakitang reporter sa kanya. Dirediretso siyang naglakad papasok sa hotel kung saan gaganapin ang press-con. Kumpleto na ang press ng marating niya ang function hall kaya naman agad ding nagsimula ang event. Isa isang nagtanong ang press people—merong tungkol sa pang-apat niyang nobela at merong mga personal questions. “Ms. Vargas, may I ask why until now ay wala ka pa ring boyfriend?” pangahas na tanong ng isang baklang columnist. She smirked. Medyo nairita siya sa tanong nitong iyon pero hindi niya iyong ipinahalata. She smiled sweetly bago sinagot ang tanong nito, “Hindi pa dumarating ang taong magpapatibok ng puso ko. I’m still waiting for that stranger.” Ngunit mukhang hindi satisfied ang bakla sa sagot niyang iyon dahil muli itong bumira ng tanong, “Nakarating sakin ang issue that you had Xenophobia, perhaps that’s the reason why?” Lalo siyang nairita sa bakla. Nanginig ang kalamnan niya. Naalala na naman niya ang insidenteng iyon. “E-excuse me.” She managed to say bago walang lingon likod na nilisan ang function hall. Naiwan ang press na nakabadha sa bawat mukha ang pagtataka. Matalim ang tinging ipinukol ng iba sa baklang columnist na naging sanhi ng mala Ruffa Guttierez na walk out drama ng bestselling writer. Samantalang ang iba naman ay ngingiti ngiti lamang na tili may niluluto ng headline. SA PAGMAMADALI ay halos hindi na niya makita ang dinaraanan niya. Napasinghap siya ng bumangga siya sa isang bulto ng katawan. Lalo siyang naginig ng mapagtantong isang total stranger ang kanya nabundol. Halos hindi siya huminga nang masilayan ang gwapo nitong mukha. Bumilis ang tibok ng puso niya pero agad niyang winaksi sa isip ang paghanga sa look-alike ng hunk actor na boyfriend ni Angelica Panganiban. “Miss Vargas!” “Miss Vargas, is it true?” narinig niyang sigaw ng press people na nagtatangka siyang habulin. Agad niyang dinampot ang nalaglag na cellphone katabi ng nalaglag ring cellphone ng istranghero bago tuluyang tumakbo. Sinalubong siya ng mga bodyguards na agad namang hinarang ang press people. BUMILIS ang tibok ng puso ni August ng makabangga ang isang matangkad at magandang babae. Kahit saglit lamang niyang nasilayan ang ganda nito ay tila binihag na nito ang kanyang mapaglarong puso. Habol niya ito ng tanaw hanggang sa makasakay ito sa BMW. Ang press people na humahabol dito ay nanlumo nang tuluyang maka-alis ang sinasakyan nitong kotse. Pinulot niya ang cellphone at agad itong ini-on. Napangiti siya ng mabuhay ang screen akala niya’y nasira na ito sa pagkakalaglag. Muling nangunot ang noo ng binata nang isang babae ang nakita niyang wallpaper ng cellphone—ang babaeng nakabangga niya. Di yata’t nagkapalit sila ng cellphone ng dalaga. Napapalatak siya, “Well, well mukhang umaayon sa akin ang tadhana” wika niya bago muling naglakad patungo sa resto ng hotel kung saan naghihintay si Charmie, ang latest fling niya. Sa kanyang malikot na utak ay may nabubuo ng plano kung paano mapapalapit sa istrangherang bumihag ng kanyang puso. “GOODNESS!” naibulaslas ni Monday ng mapagtantong hindi niya cellphone ang hawak. ‘Bakit ba naging magkaparehas pa kami ng cellphone ng total stranger na iyon?’ inis na tanong niya sa sarili. Kanina pa siya parang di matae na pusa sa kakaikot sa loob ng kanyang silid. Napakalaki ng problema niya. Una, siguradong kakalat sa media ang nangyaring walk out niya kanina at tiyak na hindi iyon makakabuti sa publicity ng fourth novel niya lalong lalo na sa reputasyon ng pulitko niyang ama. Pangalawa, hindi niya makontak ang kanyang talent scout at PR at dahil nga iyon sa hindi niya cellphone ang hawak niya. Nagdadalang hiya rin siyang kontakin ang sariling numero aside from the fact that the guy who had her phone right at that moment is a total stranger—a gorgeous stranger. She sighed. “Arrgghhh.. bahala na si spongebob.” ENTERTAINMENT NEWS: THE WALK OUT: RUFFA GUTTIEREZ VERSUS MONDAY VARGAS — WHICH IS MORE DRAMATIC? The bestselling writer Monday Vargas, daughter of Senator Enrico Vargas and former beauty queen Matilde Cuangco- Vargas, made a dramatic exit yesterday during the press release of her fourth novel at the Manila Hotel Function Hall leaving behind the puzzled mass of press. That said day, the award winning columnist Rick L. tweeted on his twitter account: I wasn’t expecting that my question about the issue of her [Monday Vargas] having Xenophobia would turn out this drastic. She must be very pissed. Now, I can’t help but wonder which has the more dramatic walk out, ruffa [Guttierez] or her? Turn to Page 12 Napaangat sa kinauupuan niya si August ng biglang may sumipol sa likuran niya. Nang mag-anggat siya ng tinggin ay nakita niya ang nakatanghod sa kanyang si Angel, ang kanyang bestfriend cum partners in crime. “Don’t tell me, bro that you have the shit for that hot babe?” he said upon glancing at the news paper kung saan nakabalandra sa front page ang maamong mukha ni Monday Vargas. Ibinaba ni August ang binabasang Dyaryo sa center table bago nakangiting sinagot ang tanong ng kaibigan, “Yah, she’s so damn hot, bro.” Malakas na tumawa si Angel. “I knew it. The way you look at her para kang in love.” “And I think I am”, lalong napabulanghit ng tawa ang kaibigan sa sagot niyang iyon. “Impossible! Common, bro knowing your nature…” umiiling-iling na wika nito. Kung hindi niya lang siguro ito bestfriend baka na-insulto na siya at nasapak ito. August Crisanto is publically known as a playboy. He is a heartbreaker. Kung mag-girlfriend siya ay sabay-sabay bukod pa sa kabikabila niyang flings. Kung may makakarinig sa kanya saying he’s in love ay tatawanan lamang siya. No one would ever believe him. “I am serious. I think pinana yata ako ni kupido” “Whoooh…whooh…did I hear it right o namamalik rinig lang ako?” “You heard it right, bro. Na-love at first sight ako!” nakangiting saad niya. Ayaw niyang paapekto sa pessimistic reaction nito. “At paano na si Charmie?” Angel asked reffering to his latest fling na ngayon ay ex-fling na. Hanggang ngayon ay nakikinikinita pa rin niya ang naging reaksiyon nito ng makita ang wallpaper ng cellphone na hawak niya… “Who is that girl?” nakangunot noong tanong ni Charmie the moment na makita nito ang wallpaper ng cellphone na tangan niya. Nang dumating siya sa resto ay nakasimangot na ito dahil almost half hour na siyang late sa usapan nila at lalo pa nga itong napasimangot ng makita ang larawan ng babae sa inaakala nitong cellphone niya. Nagkibit balikat lamang siya saka tinawag ang waiter upang maka-order na sila. “Answer me, babe who is that girl?” halos umusok na ang bumbunan nito sa galit ngunit hindi niya na lamang ito pinansin.”August, magpaliwanag ka nga. Answer me!” Hindi pa rin niya ito pinansin sa halip ay ang menu ang pinagtuunan niya ng pansin. Sa inis ay pinagdiskitahan nito ang waiter na nakatingin sa kanilanag dalawa habang naghihintay ng order, “Ikaw, anong tinitingin tingin mo, ha? Get out of my sight. GET LOST!” Sinenyasan ng binata ang kaawa-awang waiter na iwan muna sila bago hinarap si Charmie. “Listen here lady; it’s none of your business who that goddamn woman is. Simula ngayon ay pinuputol ko na ang kaugnayan ko sa iyo, you hear that?” cool pa rin na wika ng binata. Mahabang sandali ang lumipas. Nagsususkatan lamang sila ng tinggin hanggang si Charmie rin ang sumuko. “Fine!” wika ng babae bago nagdadabog na nilisan ang resto. Ni hindi lamang ito nahiya sa waiter na sinigawan, taas noo pa rin itong lumabas ng glass door… “That actually happened?” amazed na tanong ni Angel sa kaibigan matapos ilahad kung anong nangyari the other day. “Akala ko ba ay nahuhumaling ka pa sa Charmie na ‘yan? You said so yourself the last time we’ve seen each other.” “I was, but you know how much I hate naggers.” Matipid niyang sagot dito. “WAS? So, you’re telling me you’re serious about your so called love with this writer?” “Absolutely!” muli ay matipid niyang sagot “Oh Boy!” na lang ang nasabi ni Angel. Hindi na niya pinansin ang reaksyon nitong tila dinaig pa ang itsura ng magkakasakit, nang biglang magring ang cellphone ni Monday Vargas. Lloydrhek m/ :) :) :)
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 09:20:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015