TAGALOG: Teksto sa araw-araw Martes, Hulyo 2 Nagpaalipin siyang - TopicsExpress



          

TAGALOG: Teksto sa araw-araw Martes, Hulyo 2 Nagpaalipin siyang kasama ko sa ikasusulong ng mabuting balita.—Fil. 2:22. Kayong mga kabataang brother, maaari kayong magboluntaryong tumulong sa mga may-edad sa kongregasyon. Maaari din kayong tumulong sa pangangalaga sa Kingdom Hall, anupat pinananatili itong malinis at maayos. Kapag nagboboluntaryo kayong tumulong sa abot ng inyong makakaya, ipinakikita ninyong seryoso kayo sa ministeryo. Tulad ni Timoteo, matututo kayong magpakita ng tunay na pagmamalasakit sa kongregasyon. (Fil. 2:19-21) Kayong mga elder, huwag kaliligtaang bigyan ng atas ang mga kabataang brother na nagsisikap ‘tumakas mula sa mga pagnanasa na kaakibat ng kabataan’ at nagtataguyod ng “katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, kapayapaan,” at iba pang magagandang katangian. (2 Tim. 2:22) Kung aatasan ninyo sila ng mga gawain sa kongregasyon, ‘masusubok kung sila ay karapat-dapat’ bumalikat ng pananagutan, upang ang kanilang “pagsulong ay mahayag sa lahat ng mga tao.”—1 Tim. 3:10; 4:15. w11 4/15 1:13, 14 ENGLISH: Daily text Tuesday, July 2 He slaved with me in furtherance of the good news.—Phil. 2:22. You young brothers can make yourselves available to older ones in the congregation, offering to assist them in any way possible. You can also show an interest in the appearance of the Kingdom Hall, helping to keep it clean and neat. When you offer to help out in any way you can, your willing spirit gives evidence that you are serious about your ministry. Like Timothy, you can learn to care genuinely for the needs of the congregation. (Phil. 2:19-21) Elders, be conscious of putting to work young brothers who are endeavoring to “flee from the desires incidental to youth” and who are pursuing “righteousness, faith, love, peace,” along with other serious traits. (2 Tim. 2:22) By assigning them things to do in the congregation, they can be “tested as to fitness” to shoulder responsibility, so that their “advancement may be manifest to all persons.”—1 Tim. 3:10; 4:15. w11 4/15 1:13, 14 Direct Link: wol.jw.org/en/wol/dt/r1/lp-e/2013/7/2
Posted on: Tue, 02 Jul 2013 11:18:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015