TAYO BA AY BINUHAY NG ATINGDIYOS PARA LANG MAMATAY SA KARAMDAMAN O - TopicsExpress



          

TAYO BA AY BINUHAY NG ATINGDIYOS PARA LANG MAMATAY SA KARAMDAMAN O KALAMIDAD? (Copy - 13) Magandang araw po sa inyong lahat na aking 4665 na kaibigan...ang Note na ito ay nai-tag sa inyo dahil kayo po ay aking kaibigan...at maaari na, na inyong sasabihin na ito ay mahaba at tatamadin na kayo na basahin ito hangang sa katapusan...pero kung inyong wawariin...sa pagbasa lang nitong note na ito ay makakatulong na kayo sa ating kalikasan...at gayundin sa inyong kalusugan, o kalusugan ng inyong mga kamag-anak...para makatulong natin sa mga proyektong pangkalikasan....maari din na ito ay maikuwento ninyo sa inyong mga kaibigan na hindi naman marunong gumamit ng internet...sa inyong pagkukuwento ay malaki na ang inyong maitutulong...lalo na kung ito ay inyong ipi-print at ipakita sa inyong eskuwelahan o sa inyong mga organization, kooperatiba, Foundation, club, o kaya ng inyong barangay!....Ang note na ito ay inumpisahang sulatin bago pa magkaroon ng lindol sa parteng Cebu at Bohol...saglit po itong aking inihinto bilang pakikiramay sa mga nasalanta noong araw na nagka-lindol at muli po nating itutuloy ngayon! For my friends who are not Filipinos, and for those friends who cannot understand Tagalog...you can use this link: tagalogphrases/tagalog-to-english/ October 13, 2013 TAYO BA AY BINUHAY NG ATINGDIYOS PARA LANG MAMATAY SA KARAMDAMAN O KALAMIDAD? Siguro ay dapat kong isulat ito dahil sa aking nakikitang nangyayari sa ating bansa na punong-puno na ng polusyon sa hangin, tubig, at mga nakakalasong pagkain, at bilang isang Tunay na Makabayan at Makakalikasan...kailangan kong magpaalala sa aking mga kababayan....sa aking isipan may katulad na akong naisulat na ganito...pero kailangan kong ulitin dahil sa mga lumalalang problema natin sa ating kalikasan na nagdudulot naman ng malulubhang kalamidad at karamdaman... Hindi po ba ninyo maintindihan...sample pa lang po ito...ang Leptospirosis na sabi nila galing sa ihi ng daga...pero ang katotohanan ay hindi lang galing sa ihi ng daga nangagaling ito...maging sa ihi ng mga ibang hayop at maging sa tao...ang bakterya na nabubuo galing sa mga ihi ay nabubuhay sa mga estero at maging sa mga pampang ng maduming kailogan...kaya pag may baha at malapit kayo sa mga lugar na katulad nito at maysugat kayo...MAGDASAL na kayo pag nakuha ninyo ito... Tayo ay papunta sa modernong pamumuhay...at papunta din sa maagang kamatayan...at dahil papunta tayo sa modernong pamumuhay kailangan tayo ay magmina at magputol ng punong kahoy sa kagubatan, gayundin ang paglalagay ng mga Sanitary Landfill dahil dumarami ang tao at dumarami din ang basura...sabi nila...nilang gusto langYUMAMAN at hindi baleng makaperwisyo...at hindi na yata alam na lahat ng ginagawang nilang ito ay may konekyon din sa maagang kamatayan... Tunay din na kailangan din tayong magmina ng ating mga mineral dahil kailangan yan ng mga tao...kung wala tayong miminahing mga mineral...wala tayong toothpaste, wala tayong sabon, wala tayong mga gagawing additives para sa mga gamot at gayundin sa kinakain at vitamina ng tao at hayop, wala tayong semento, at wala ding bahay na konkreto pag hindi tayo magmimina...kailangan talagang mag-mina at ito ay hindi na natin mapipigilan...pero, ang malaking PERO ay dapat pa ba tayong mag-export ng ating mga mineral at pagkatapos ay mag-import din tayo...bakit kailangan pang paikutin...dahil po ba sa pera...lahat ng klase ng mineral ay nasa bansa natin...hindi ba ninyo yun alam...bakit kailangan pa tayong mag-import...samantalang nag-eexport tayo? Bakit po ba tayo binabaha ngayon...Climate Change daw sabi ng gobyerno...hindi nila sinasabi na wala na yung mga punong daan taon nang nasa ating kagubatan dati...na siyang sumisipsip ng tubig ulan para dahan-dahan lang ang pagbaba sa kabayanan...kaya nilagyan tayo ng mga batis, bukal, at talon ng ating Diyos ay para-unti lang ang pagbaba ng tubig ulang ito.....TAMA...papunta tayo sa modernong pamumuhay kaya kailangan tayong magputol ng punong kahoy....pero WALA bang nakapag-isip na hindi naman na sa ating bansa ito ginagamit...export din po itong ginagawa nila...bakit ba napakamahal ng kahoy natin kung dito lang sa bansa natin ito ginagamit...at mayroon pa tayong 2nd hand lumber...samantalang tuloy-tuloy naman ang pagputol nila ng puno at karaniwan pang may bendisyon ito ng gobyerno...magtanim man tayo ng magtanim ngayon ng mga punla ng punong kahoy ay mawawalan na din ito ng silbi kung ang pipigilan ay tubig ulan...sasama lang yan sa tubig ulan pagbaba nito sa kabayanan...mas mabuti siguro sa kabayanan nalang kayo magtanim ng mga punla ng punong kahoy at ito ay tunay na may silbi na sasala ng polusyon sa hangin para sariwa na kung lalanghapin ninyo, lalo na kung ito ay fruit bearing trees na magkakaroon ng pakinabang pagdating ngaraw......mababantayan pa ninyo! Marami tiyak ang tataas ang kilaynito...sasabihin na moderno na nga eh...saan mo itatanim...tanong lang po yan nang walang alam...napakarami pong paraan...kung hindi ninyo alam...tuturuan po namin kayo! Punta po tayo sa SanitaryLandfill na isinusulong sa Obando na pati ang palaisdaan at kailogan ay malalagyan nito...nasa moderno na daw tayong pamumuhay kaya kailangan ito...baka naman po yung mga basura na galing sa ibang bansa ang ibig niyong sabihin...may SJDM na pong landfill...bakit hindi dito ninyo itapon ang mga basura ninyo...at bakit sa Pilipinas lang yata may import ng basura...ang dami na nga nating basura mag-import pa kayo? Ah ok na sa gobyerno at pati COA (Court of Appeals) ay payag na dito...gayun po ba...eh paano po kung sabihin naman naming mga taga Bulacan at NCR na hindi kami payag dito...papatayin ninyo ang mga tao dito dahil tiyak na kakatas yang landfill ninyo o aapaw pag may baha hindi po ba...ang mga isda sa palaisdaan ay magiging kontaminado kung sakaling mabubuhay pa sila...na kakainin naman namin...mali po ba sinulat ko? Sige nasa moderno na tayong pamumuhay kaya kailangan itong landfill...sabi ninyo yan eh...kaya kahit na ang usapin ay nasa DOJ pa para ito ay matigil pero kinatigan naman ng COA kaya itutuloy na ninyo din...sige tuloy lang po ninyo...basta ang basura ay dito lang sa bansa natin mangagaling ay wala tayong dapat pagtalunan...GO GO GO! Tayo namang mamamayan ay dapat naman sumunod po dito sa sinasabi ng mga relisyoso: Nasa Diyos ang awa nasa Tao ang gawa...gawin na po natin ang batas na RA 9003...kahit na hilaw itong batas na nagsasabi ng segregation o paghiwahiwalay ng mga basura ay may nakasulat din na landfill sa batas kaya hindi tuloy malaman ng mga tao ang gagawin...nasa batas din ang landfill kaya may katwiran silang ipagpatuloy itong landfill...pero wala sa batas na RA 9003 na may mangagaling na basura sa ibang bansa...ito ang ilaban natin...at gawin natin ang ibang nasasaad sa batas na ito...para kaunti na lang ang mapunta sa landfill katulad ng mga hospital waste na atin munang bobombahan ngGuardisol (Guardians Solution) para hindi makapinsala! Kung ang lahat ng mga Lingkod Bayan, organization, foundation, kooperatiba, barangay, at may mga taong may malasakit sa ating kalikasan ay aalamin ang aming mga produkto at serbisyo na ibinibigay o itinuturo ng ating Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.ay siguradong makakatulong tayo sa lumalalang Global Warming at marami pa ang magkakatrabaho...subukan po sanang buksan ang link sa ibaba para po ninyo mapatunayan na ang aming Foundation ay gagawin ang lahat para po mabawasan ang Global Warming kung hindi man tuluyan na itong mapigil, click po ninyo ang link sa ibaba: virginpecopro.net/products_and_services Sa maniwala po kayo o hindi...sinubukan na po namin na humingi ng tulong para maituro itong mga serbisyo at produkto sa mga Lingkod Bayan, organization, foundation, at mga barangay na medyo malapit dito sa aming lugar sa Meycauayan...PERO mga bulag at bingi sila para dito...tanging ang Federasyon ng Kooperatiba lang ang nagbigay ng pahintulot na ito ay malaman nila (Ito po ang aming wino-workout sa ngayon)...gayundin ang ilang mabubuti nating mga kababayan na kahit na sila ay nasa ibang bansa ay willing silang tumulong at malaman kung ano ba itong mga produkto at serbisyo...dito sa ating bansa...bihira po ang katulad nila...ang gusto ng mga tao dito ngayon sa ating bansa...sirain ka...sirain ang foundation mo...dahil alam nila mas magaling sila sa iyo o may mga pangsarili silang interes na maaring maapektuhan kung sakaling magagawa itong mga proyekto, sino ba ang makikinabang dito...kami ba...ang Foundation ba...lahat po tayo ay makikinabang bakit po kanyo...kung magagawa natin yung mga produkto at sebisyo...isa-isahin po nating muli at marami tayong mga bagong kaibigan...yung mga kaibigan ko before the year 2013 ay hindi yata ito pansin o ayaw pansinin: 1. Mababawasan ang methane na sumasama sa hangin na nagdudulot ng Global Warming...sa mga hindi nakakaalam...ito poang number 1 at hindi carbon! 2. Makakakain na tayo ng mga organikong hayop at halaman...mababawasan ang mga sakit na cancer, leukemia, diabetes, at marami pang ibang sakit! 3. Makakakain na ng mga isdang tabang na atin lang huhulihin o bibilhin ng mura! 4. Ang mga mabababang lugar sa Bulacan at NCR na laging binabaha ay maitataas natin! 5. Ang lahat ng klase ng basura ay atin ng papakinabangan dahil zero waste management ang aming itinuturo. 6. Ang sinasabing pinakamarumi, pinaka-mabaho, at pinakamaraming bakterya, lason, at mikrobyong ilog sa Bulacan katulad ng Obamma River(Obando, Meycauayan, at Marilao) ay magagawa nating isang tourist spot na pupuntahan ng taga ibang bansa...at tayo ay gagayahin. 7. Darami ang walang mga trabaho na magkakatrabaho kasama ang mga imbalido nating mga kababayan dahil ang mga proyektong pangkalikasan ay habang may banta nang Global Warming! 8. At marami pang ibang bagay na makakatulong sa ating namamatay ng kalikasan na sa mga seminars na malalaman. Maraming nagtatanong...paano daw sila makakasapi at makakatulong eh malayo sila dito sa Bulacan..sinagot na po kayo ng pangwalong pakinabang...sa mga seminars na maaring gawin dito sa probinsiya ng Bulacan o sa NCR...dadalo lang kayo nang dalawang araw...stay-in at dito ninyo matututunan ang inyong mga gagawin sa mismo ninyong lugar...stop global warming projects ang inyong mga gagawin pagkatapos ng seminar...gayundin ang pamamahagi ng ating mga produktong pangkalikasan at pangkalusugan...kaya kahit na kayo ay nasa ibang bansa ay puwede din kayong sumuporta, tumulong, at mamahagi ng ating mga produkto dahil sa aming mga seminars na gagawin, ang inyo lang gagamitin ay computer dahil mayroon po tayong istasyon saUstream.Tv....at kung hindi po ninyo alam ang ating mga produkto...at ang kahalagahan nito sa ating kalusugan at kalikasan ay sumapi po sa grupong ito...Kalusugan Tungo sa Sariwang Kalikasan ang forte ponito...click po ninyo ang link: https://facebook/groups/172867529567480/ Maaring sabihin ninyo na negosyo lang pala ang inilalapit namin sa inyo...salita lang yun ng mga makikitid ang utak...dahil kung negosyo man ito...negosyo po ito ng taong bayan...magmiyembro sa amin, tumulong sa share o puhunan, mag-aral, at gumawa ng branch sa lugar ninyo...isipin ninyo...kung gagawin ng mga barangay o organization sa lugar ninyo ang solid waste management...saan sila bibili ng additives at organic enzymes para sa proyektong ito...gayundin kung ginagawa na nila yung organic farming saan sila bibili ng mga organic fertilizers, feeds, at additives para dito...Produkto at serbisyo para sa bansa ang pangunahing layunin ng ating Foundation...ang nakakalungkot ay walang sumuporta...isa-isahin natin ang mga sangay ng gobyerno na aming napadalan ng panghingi ng tulong o gawin ang proyekto sa tulong nila...na puro negative ang kasagutan o walang sagot, tumigil lang kami sa panghihikayat noong nangyari ang bagyong Ondoy...nanahimik kami dito dahil ubos ang puhunan at nasira pa ang aming laboratoryo: 1. Presidential Commission on Climate Change - Sent letter thru Col. Tablazon...no answer to this date...now this is Climate Change Commission! 2. Sagip Pasig Movement - Only two meetings...no approval yet to this date! 3. SM Foundation - thru the district manager...no approval...request denied after two meetings! 4. Two Congresswoman during that date, the other one is now a Senator - no approval yet to this date...soon to follow up! 5. City of Manila - Negative response 6. City of Meycauayan - Only two session...no more call 7. Municipality of Obando, Marilao, Bocaue, and Norzagaray...only one session each...no more call 8. Barangay Coloong, Valenzuela, Barangay Paco, Obando, and Barangay Saloysoy,Meycauayan...only one session each...no more call 9. Municipality of Masinloc, Zambales - Only one session...no more call 10 . And some Municipalities in Zambales and Pangasinan who received letters from our BOD...no response to this date! 11. Rotary Club of Navotas - During session..one of the members debated us regarding landfill whom he is the project engineer...no sign of help from the members! 12. Barangay Bancal from where I reside...a verbal talk to Chairman Edmon Coloma that the Foundation is willing to teach our constituent regarding Solid Waste Management Program...but sad to say that from that day on...guess what...shit na pancit na malagkit...ni hindi pumasok dito sa Bancal Ext. sa loob ng tatlong taong panunungkulan...sobra-sobra ang problema namin dito sa basura na wala siyang action...ngayon ay hindi na daw kakandidato...mabuti naman boss...dami mo na yatang pera eh... Ilan lang yan sa mga kinausap ng ating Guardians Stop Global WarmingFoundation, Inc. na nasayang lang ang aming oras at pera...ang problema kasi ay wala silang kaalam-alam sa Global Warming at Climate Change lang daw ang ating nararanasan na ito ay babalik pagdating ng panahon...kailan kaya...after thousand years? Amin nang itinigil ang paghingi ng tulong sa mga taong gobyerno dahil puro lang naging negatibo sa kanila yung aming inilalapit na magturo ng tamang paglilinis ng mga kailogan at tamang pagsasaayos ng mga basura...lalo na noong dumating ang bagyong Ondoy na sumira ng aming laboratoryo na halos nandito na ang lahat ng puhunan...! Sa ngayon na katakot-takot na kalamidad na ang nangyayari sa ating bansa dulot ng Global Warming...katulad ng sink holes na dumarami na sa Bohol...lindol, pagbaha, buhawi, sobra-sorang tubig ulan, at malulubhang karamdaman...hindi pa din ba ninyo aalamin ang mga paraan para mabawasan ito kung hindi man tuluyang mapigilan? Sa aking mga kapatid sa Guardians...inaasahan ko po na kayo ay makiki-isa sa mga proyektong gagawin ng Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc....habang may panahon pa...huwag na lang po sana akong pangunahan na dahil sa aking ranggongFounder lang sa ating kapatiran kumpara sa inyong mga pagkatataasng mga ranggo ay nasasapawan ko kayo...hindi po ganoon...ang hangad ko po ay makilala at maiangat ang antas ng ating kapatirang Guardians na siyang tanging Organization sa Pilipinas na makiki-isa sa America sa kanilang Stopglobalwarming.org na isa din po akong miyembro, at isipin din ninyo sana na iba po ang Foundation sa ating Guardians Brotherhood Organizations...ipakita natin sa buong mundo na KAYA NATIN ITO sa tulong na din ng mga mabubuti nating kababayan ang STOP GLOBAL WARMING...napakarami pa nating magagawa kung ang lahat ng Pilipino...bata man o matanda, may kapansanan man o wala, mahirap man o mayaman ay tutulong para magawa ang mga proyektong Pang-kalikasan at Pang-kalusugan! At sa mga dati naming Director na hindi naman nagiging aktibo dahil sa kanilang mga trabaho o may pinagkakaabalahan...ikinalulungkot po namin na sabihing kayo po ay ibababa muna namin para naman yung mga may oras sa pagiging director ay magampanan na nang maayos ang mga dapat gawin...hindi na baleng kaunti para laging may quorum...kesa marami nga pero laging walang quorum...miyembro pa din naman po kayo ng ating Foundation at kung inaakala naman ninyo na dapat din kayong mag-share o tumulong sa puhunan ay labis po naming pasasalamatan! At gaya ng sinasabi ng ating Diyos sa larawan sa ibaba...hindi naman natin dapat bigyan ng sulosyon ang problema ng buong mundo...iwasan lang natin na dumagdag pa tayo sa problema...at magagawa lang po ito kung tayo ay magkakatulong-tulong kahit man lang sa Pilipinas! At hindi NIYA tayo binuhay para lang mamatay sa mga kalamidad o malubhang karamdaman! Marami pong salamat, mabuhay po kayo, at GOD Bless! Jaime Flores Reyes Founding Chairman & CEO Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. Paunawa: Sa mga susunod na araw ay ilalagay namin sa wall o pm ng aming mga kaibigan ang application para po kayo makasapi sa ating Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc....18 pataas ang edad ay puwede po dito...lalo na yung mga wala namang trabaho...gamitin natin ang ating lakas at talino para mapigilan ang Global Warming...sa lahat ng magla-like o magbibigay ng komento sa note na ito ay tiyak na aming lalagyan ng application...i-print lang po, sagutan, at ipadala sa aking pm o sa mga emailaddress na: [email protected], [email protected], o kaya sajimreyes888@yahoo, puwede din na ito ay inyong dalhin sa aming opisina......ilalagay na din namin ang lahat ng detalye sa application..salamat po - GSGWFI
Posted on: Fri, 25 Oct 2013 17:39:21 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics



**

© 2015