THE RIGHT TIME-chapter 4 “Salamat ah.” Ang pabulong ko na - TopicsExpress



          

THE RIGHT TIME-chapter 4 “Salamat ah.” Ang pabulong ko na sabi kay Rome. “Para saan?” balik na bulong nya sa akin.. “Dahil kung hindi dahil sayo. Malamang nasa Computer shop nanaman ako ngayon para aliwin lang sarili ko. Salamat talaga.” Ang sinsero kung sabi sa kanya. “Hoy! Anu binubulong bulong nyo jan? Ang daya nyo ah.” Reklamo agad ni Red ng makita kaming nag bubulungan ni Rome. “Hah? Wala no! sabi ko lang kay Rome na babaero ka talaga.” Ang sabi ko na agad naman nyang binara. “Babaero? Maniwala ka dyan kay Carlo. Wala akong girlfriend noh! akala lang nila na girlfriend ko sila.” Ang mayabang na depensa ni Red. “YABANG!” sabay sabay naming komentong tatlo na pinagtawanan lang ni Red. Nag dinner kaming anim sa Jollibee. Puro kwentohan, tawanan at kung anu-anu pang kalokohan. Don ko lang ulit na ramdaman ang ganung saya. Bigla ko ulet naalala ang dawalang taon ko sa STEFTI ganito kami mag harutan ng mga ka barkada ko doon. Hiling ko nalang na sana di na maulit ang nang yari noon. buong akala ko mag tatapos ako nang high school na walang kaibigan man lang. 6 months ang lumipas at lalong naging mas matatag pa ang samahan naming pito. Pero ang mas naging close sa akin ay sina Antonet, Red at Rome. Yung iba naman close ko rin naman pero hindi ganun ka close sa tatlo. Favorite day of the week Friday. Maaga akong nagising dahil sa isang tawag sa cp ko. “hello?” ang bati ko sa tumawag sa akin di na inabala ang sariling tingnan sa screen kung sino ang tumatawag. “Supah Ace gising na!!” malakas na sabi sa kabilang linya. “Dapat talaga sumisigaw ka? Ang aga aga!” ang maktol kung sagot sa kanya. “Oo! Para di kana matulog ulit. Dali bangon kana dyan pupunta ako dyan sabay tayo punta ng school.” Si Rome. “huh? Bakit kailangan pa nating mag sabay? Di mo naba alam daan papuntang school at kailangan mo pa akong disturbohin? Galit ko paring sabi sa kanya sa inis na ginising nya ako. “Eh kasi po nag txt sa akin si Carlo hihintayin nila tayo sa tambayan dahil may sasabihin daw sya.” Si Rome “ayon naman pala. Sayo naman pala nag txt eh bakit nadamay ako?” sagot ko sa kanya. “ang init naman ng ulo mo Supah Ace. Cge na please bangon kana maliligo na ako. See you after 30 mins!!” end call Wala na ako nagawa kung hindi maligo at mag bihis. Ligong ibon lang ginawa ko dahil baka dumating na si loko at mangulit nanaman. “MANAG LETH DON NALANG AKO SA CANTEEN NAMIN MAG BREBREAKFAST WAG NA PO KAYO MAG ABALA MAG HANDA!” Ang Pasigaw kung sabi kay Manag leth mula sa aking kwarto habang nag lalagay ng wax sa aking buhok. Pag kababa ko nagulat ako nang makita ko si Rome na nasa hapag na at lumalamon. Agad naman syang lumingon sa akin at ngumiti sabay sabing “Good morning Supah Ace!tara breakfast tayo ang sarap ng luto ni nanay.” “akala ko ba nag mamadali tayo? Bakit nakuha mo pang lumamon dyan.” Ang nakangiti ko nang sabi sa kanya sabay upo sa harapan nya para kumain na rin. Nagutom nga ako sa amoy nang niluto ni Manang. As usual wala sina mama at papa nasa Singapore for business trip. “sabi ko pa naman kay Manang na wag nalang mag handa kasi di ako kakain.” Sabi ko ulit. “nagutom ako sa amoy ng sinangag at hot dog eh kaya nang ayain ako ni Nanay na kumain, di na ako humindi. Di rin kasi ako nag almusal sa bahay sawa na ako sa luto nila doon.” Di na lang ako sumagot at kumain na rin. Pogi talaga ni kolokoy at ang bango bango. Isama mo pa ang ayus ng buhok na bagay sa mukha nya. After naming kumain ay deretso agad kami sa school. Nag pahatid kami sa driver namin tulad ng lagi kung ginagawa sa tuwing papasok ako. Hindi pa kasi ako pinapayagan mag drive ng dad ko kasi wala pa akong drivers license.
Posted on: Wed, 28 Aug 2013 03:36:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015