THE URBAN LEGEND OF MARY CHUA FINALE Rj, ano nanaman ang - TopicsExpress



          

THE URBAN LEGEND OF MARY CHUA FINALE Rj, ano nanaman ang kalokohan ito? Bat tayo narito sa school ng ganitong dis oras ng gabi. Badtrip naman oh! Alam mo, may lakad pa kami ng syota ko.” wika ni Bert “Wag kayo maingay baka marinig tayo ng guard, tinawag ko kayo para mag ghost hunting. Gusto ko makausap si Mary Chua.” “Rj, umuwi na tayo, gabi na oh. Baka malaman ni mama na tumakas pa ako sa bahay. Lagot ako nito.” sabi ni Jake habang nag kakamot ng mata. Halata na sya ay inaantok na. Binuksan nila ang kani-kanilang mga flash light. Nag simula na silang mag lakad. Iniilawan nila ang bawat sulok ng classroom. Naniniwala na may makikita silang multo. Nakakatakot ang katahimikan ng paligid. Mga nakaraang pilit itinago ng panahon. Biglang “Blag!”, isang ingay sa kalayuan. Kinagulat ito ng tatlo. “Ayun, dun tayo dali!” wika ni Rj, sabay takbo sa lugar na pinagmulan ng ingay. “Wala naman dito eh. Pusa lang yun oh, may dagang nahuli.” hinihingal na wika ni Jake. “Tara na umuwi na tayo! Wala naman tayo mapapala rito. Hindi natin makita ang sinasabi mong multo …tara na Jake.”wika ni Bert. Nabigo si Rj, hindi nya nakausap ang kaluluwa ni Mary, ngunit sa pang apat na sa pintuan ng music room ay bigla nalamang silang may narinig na may tumutugtog ng piano. “May tumutugtog.” “Nang ganitong dis oras ng gabi?” “Sino man kaya yun?” Nagtaka ang tatlo. Sinilip nila ang pintuan kung saan ay makikita ang loob ng silid. Patuloy parin ang pagtugtug ng piano. Napakadilim sa loob, animoy walang tao. Pero sino ang nasa loob na gumagamit ng piano? “Alam ko ang kantang yan!” wika ni Jake. “Ang pagkakaalam ko ay highschool life ang title ng kantang yan.” “Pero sino naman ang tumutugtog?” Saglit na huminto ang musika. “Bakit huminto?” Humangin ng malamig sa paligid. Sa kalayuan ay may nakita silang babaeng nakaputi. Nakatingin din ito sa kanila. Hindi nakatapak ang kanyang mga paa sa sahig. Lumulutang ito papalapit sa kanila. Ito ay kinatakutan ng magkakaibigan, hindi nila alam ang gagawin. Sa takot ay pasigaw na tumakbo sila sa corridor. “Grabe tol, hindi ako makapaniwala sa nakita natin. Natatakot ako sa tuwing nakikita ko si Mary, grabe! Hihimatayin ata ako kanina. ” “Rj, ang tapang mo kanina. Gusto mo kausapin ang multo pero nang sumulpot na, mas nauna ka pang napatakbo saamin. ” “Eh hindi ko naman inasahang mag papakita sya ng ganung nakakatakot. Hindi pa ako sanay dun.” “Anong plano mo dahil gusto mong makausap si Mary?” wika ni Bert. Napaisip rito si Rj. “Alam ko na! Alam nyo ba ang tungkol sa ouija?” “Eh sino naman yun?” “Tanga, yun yung kinakain natin tuwing umaga!” “Pareho kayong mali, ang ouija ay isang board na ginagamit sa spirit of the glass para makipag usap sa mga spiriting ligaw.” paliwanag ni Rj. “Oo alam ko na. Pero teka, teka, saan tayo makakakita ng oui-ouija na yan?” “Kila Flora!” sagot agad ni Jake. “Alam ko nuong 2nd diba nabalitaan sa campus na nag spirit of the glass sila? Dun. Pwede tayo humiram sa kanila.” Kinabukasan, nagpunta sila sa bahay nila Flora. Pinapasok naman sila sa kanilang bahay. “Ano ang kaylangan nyo at bigla kayong napasugod dito? May problema ba?” tanong ng dalaga. “Ah wala naman. Itatanong lang namin yung nangyari nung 2nd year pa tayo.” wika ni Rj. “Totoo bang nagamit nyo ang ouija board?” “Ang ouija bard? Oo, nagamit nga namin yun. Pero dun namin nalaman na delakado ang larong iyon. Isa kasi sa amin ay nawalan ng malay ng isang linggo. Simula nun, hindi na namin linaro ang Ouija board. Bakit nyo pala naitanong?” “Kung pwede sana ay hihiramin lang namin yun ng saglit. Isang gabi lang.” pakiusap ni Rj. “Hindi na kasi pwe-.” “Hindi Flora, kung ipapahiram mo ang Ouija board, hindi na kita kukulitin sa school.” wika ni Bert. “Pero hindi nga pwede. Hindi nyo alam kung gaano kadelekado ang pakikipag usap sa spiritu sa spirit of the glass.” wika ng dalaga. Nalungkot ang 3 lalo na si Rj. Nawalan na sila ng pag-asa. “Sige aalis na kami. Ikaw lang ang kilala naming maasahan dito. Salamat nalang.” Aalis na sana sila Rj nang biglang nagbago ang isip ni Flora. “Teka, oh sige papahiramin ko sa inyo ang ouija.” “Talaga? Maraming salamat. Sabi ko na nga ba hindi mo kami matitiis.” “Papahiramin ko nga sa inyo ngunit may isang kundisyon.” “Kundisyon?” “Sasama ako sa pag gamit ng ouija. Alam ko kasi kung paano mag tawag ng spirito. ” “Tamang-tama, kaylangan ka pala namin kung ganun. ” “Kailan nyo na gagamitin?” “Kung pwede ay mamayang gabi sa school, sa alumni room. Kita kita nalang tayo dun mamayang saktong 12 ng gabi.” “Sige txt ko nalang kayo.” “Saka pag katapus ay tayo naman ang mag lalaro sa dilim..” pabiro ni Bert. Nginitian na lamang ito ng dalaga. Kilala na nya si Bert sa pagiging pilyo at mapagbiro lalo sa sa mga babae. Gabi na at napakalamig. Maliwanag na ang bilog na bilog na buwan. “Ang tagal naman nila Flora. Mag tu-12 na, wala pa sila. Dami pang lamok dito. Hindi pa ba sila nag ttxt ?” (Tumunog ang cellphone ni Jake) “Oh ito na. Nag txt na sya. Malapit na daw sila. Dala nila ang ouija at kasama sila Kat at Joy.” “Kasama si Kat, ang gf ko!” “Pwede ba tumahimik ka nga Bert, nakakabulabog ka sa mga natutulog.” “Talaga itong si Rj, wala ka pa kasing gf.” Sumagot naman si Rj. “Eh hindi katulad mo na malibog na at 3 pa ang sabay na gf. Ang play boy mo.” “Inggit ka lang.” “Oh wag na kayo mag away na dalawa, nandito na sila..”wika ni Jake. “Hi,” bati ng 3 pang dalaga. “Hon, akala ko ba, nasa bahay ka lang. Bat sumama ka pa rito?” sabi ni Bert kay Kat. “Eh kasalanan ko ba kung niyaya ako ni Flora. Wala namang masama. Saka hindi ko rin alam na narito ka.” “Hon talaga may tampo pa sa akin.” Tumingin si Rj kay Flora. “Maraming salamat, tinupad mo ang usapan natin.” “Wala yun. Alam ko kasi na kaylangan nyo ito. Para makatulong narin ako sa inyo.” Tumabi naman si Joy kay Jake. “Uy Jake, musta na?” Unti-unting lumalayo si Jake. “Napakatorpe mo naman Jake, bat ka ba nalayo saken? Mabaho ba ako? Hindi naman kita kakainin ah.”wika ni Joy. “Ah eh. Wala. Medyo kasi hindi ako sanay na tinatabihan ng babae.”sagot ni Jake sabay ayus ng salamin sa mata. May lamig parin ang hangin.Tanging mga kuliglig lang ang gumagawa ng ingay. Nagpunta na sila sa pintuan ng alumni room. Sarado parin ang malaking pintuan. Wala ng pasukan maliban na lamang sa bukas na bintana ng gusali. “Sarado,paano tayo makakapasok?” wika ni Kat. “May paraan para makapasok.” sagot ni Rj. “Bert, umakyat ka sa bintana, sa loob ay buksan mo ang pinto.” “Ako? Aakyat at papasok mag isa dyan? Ang dilim kaya dyan sa loob. Bat di nalang ikaw ang umakyat? Ano ako, utusan ?” “Pls Hon, umakyat ka na. Pls, sige mamaya, may premyo ka saken.” panlalambing ni Kat. Dahil dito ay ginanahan ang binata. “Oh sige, aakyat ako sa punong ito. Makikita nyo, mabilis ko itong maaakyat. ” Ganun nga. Mabilis na inakyat ni Bert ang puno papasok sa bintana ng alumni room. Pero sa labis na pag yayabang ay inakyat pa nito ang pinaka tultok ng puno. Sa tuktok ay nagmalaki pa ito. biglang… “Krak!” patay. Nabali ang sanga na tinatapakan ni Bert. Nahulog sa sya mula sa pinaka itaas ng puno. “AHHH!” bumagsak siya. At ang kanya nanamang kinahulugan ay… “Pwe! Sa tae nanaman ng aso!” Nakapasok nasilang lahat. Halata sa kanila ang takot lalo na sa mga kababaihan. Hawak-ha wak nila ang braso ng kanilang mga kasamang lalake. Tuwang-tuwa naman dito si Bert dahil sumasagi ang malusog na dibdib ni Kat sa braso nya. “Wow, nakakapanigas.” sa isip-isip ng malibog na si Bert. Madilim nga sa loob. Ang liwanag ng buwan ay hindi nakakapasok sa kwarto. Sa gitna ay umupo sila ng pabilog. Sisimulan na nila ang spirit of the glass. Sinindihan nila ang itim na kandila at tinirik sa gitna nila upang maging gabay narin sa liwanag. Nilapag na nila ang mahiwagang ouija board. “Sigurado na ba kayo sa gagawin natin?” tanong ni Flora. “Itong seremoniang gagawin natin ay hindi biro. Pwedeng isa saatin ay masanabiban o may mangyaring masama. Itatanong ko sa inyo, ipagpapatuloy pa ba natin to?” babala ni Flora. “Ayus na ang lahat.” sagot ni Rj. Alasdose na ng medaling araw. Sakto. Oras na ….. Pinikit nila ang kanilang mga mata. “Kahit ano ang maramdaman nyo, marinig o makita, tandaan nyo na wag na wag kayo mag papakita ng takot. ” “Om nalang gna nidnus tignalasamus gniman ama ……” dinasal ni Flora ang amanamin ng pabaliktad ng 3 beses. “Spirit of the glass, narian ka na ba? Magparamdam ka…” walang nangyari. Hindi umandar ang baso kung saan ay ang kanilang mga daliri ay magkakapatong. “Ano ba yan, wala namang nangyayari.” wika ni Joy. Naiinip na sya. Halata parin ang pagkatakot. Maya-maya pay may narinig silang yapak ng paa. Imposible. Silang 6 lang ang nasa kwartong iyon. Lahat sila ay nakaupo. Sino ang nag lalakad lakad sa palibot nila. Dito na natakot ang lahat. Si Kat ay pinipigil ang bibig na sumigaw. “Mary Chua, naryan kana ba?” tanong ni Flora.Umandar na ang baso. Hindi makapaniwala ang iba. Tumapat ang baso sa bilog na “no”. “No?… …kung hindi ka si Mary Chua, sino ka?” R-I-C-A-R-D- O “Ano raw? Masyadong mabilis.” wika ni Bert. Umandar ulit ang baso. R-I-C-A-R-D-O “Ang bilis hindi ko mabasa.” R-I- C-A-R-D-O “Ano ulet?” T-A-N-G-A* B-O-B-O “Loko rin ang multong ito ha.” “Hindi ka si Mary, saan sya ngayon?” K-A-S-A- M-A*N-Y-O*N-G-A-Y- O-N*S-Y-A Humahangin ng malakas. Ang mga libro ay nagliparan sa paligid. Namatay ang maliit na kandila na tanging ilaw nila. Malakas ang hangin. Sa takot ay nagyakapan ang 6. Ang kaninang madilim ay lumiwanag na mas maliwanag pa sa sikat ng araw. Nakita nila ang 2 tao na nakalutang sa hangin—si Mary at si Ricardo. Puting puti ang kanilang suot. Makikita sa mukha ni Mary ang kanyang kagandahan. Hindi na sya nakakatakot. Isa na syang anghel. “Nakakasilaw! Ano bang sabon ang ginamit na pang laba sa damit nyo?” tanong ni Bert habang tintatakpan ang mga mata. “Tide is Tide!” sagot ni Ricardo. Nakangiting nag paalam si Mary Chua at nagpasalamat. “Maraming salamat sa inyo. Ngayon ay matatahimik na ako. Makakasama ko na ang mahal ko sa buong ikalaang buhay ko. Maraming salamat sa iyong 3 at sa mga iba pang tumulong. Paalam sa inyo. Ikamusta nyo nalamang ako kila Amy at Mina. Paalam ulit at hanggang sa muling pagkikita natin. ” binuka ni Mary ang kanyang malaking pakpak. Lalong nakitaan ito ng kagandahan. Lalong namangha si Rj at ang iba pa. Tumingin si Mary kay Rj at nag iwan ng matamis na ngiti. Umakyat ang kaluluwa nya sa langit at unti-unting naglaho ang liwanag kasabay ang paglaho ng knilang imahe. Dumilim ulit ang paligid. Patuloy parin nagyayakapan ang 6 at nag-iiyakan. Tatlong linggo ang nakalipas… “Rj, Rj! Basahin mo itong pahayagan…binitay na raw si Oliver! Ang pumatay kay Mary Chua. Napatunayan nga na sya ang may sala. Sangkot rin sya sa lahat ng hindi mabilang na krimen. Nababagay lang sa kanya yun.” wika ni Jake na pinapakita ang malaking dyaryo sa barkada. “Tama. Dapat lang. Paniguradong sa impyerno nga ang bagsak nya … happy ending na ang love story nila Ricardo at Mary.” “Masaya ako para sa kanila,” wika ni Rj, nakangiti habang binabasa ang dyaryo. “Oo nga pala. Di ba itong linggo lang may gaganaping alumni home coming? Lahat ng estudyante nuong 1984 ay dadalo at magkakasama-sama.” “Edi Bert, kasama pala ang tatay mo dun?” “Oo.” sagot ni Bert. Malayo ang kanyang tingin, pinagmamasdan nya si Kat. Dumating ang maraming araw, naganap ang alumni home coming. Lahat ng mga estudyante ng 1984 ay dumalo. Lahat ay masaya ng gabing nagkasama-sama ulit sila. 2 dekada silang naghiwalay. Ang mga iba ay hindi mapigilan ang emosyon at umiyak. May mga may asawa na at meron parin na nananatling binata. May mga naging doktor, teacher, piloto, marami pa . May mga naghirap at may yumaman, may mga mga nabalittan na patay na. Dumalo rin ang mga lumang guro tulad nila Mrs. Silva at Mrs.Reyes. Nandun rin si Mina na nakabihis pang doktor. Natupad narin ang kanyang pinaparanga dati. Nanibago sya, ang mga iba ay hindi na nya makilala Hanggang nakita na nya si Amy. Nakaupo sa wheelchair, inaalayan sya ni Delbert, ang lalakeng pinangarap nya na ngayon ay kanya nang asawa. “Uy Amy! Musta na? Hatagal tayong hindi nagkita!” binati ni Mina si Amy ng buong kagalakan, niyakap nya ito. Hindi parin umimik si Amy. “Uy ang tahimik mo ha. Ano na ba nagyari sa iyo? Dati ikaw lang ang maingay sa ating tatlo.” “Matagal nang ganyan si Amy.” wika ni Delbert, ang asawa na ni Amy na nakahawak sa kanyang wheelchair. Bagkus ay nagbigay nalaman ng magandang ngiti si Amy kay Mina. Dito naunawaan ni Mina ang lahat. Ang masakit na ala-ala ay ayaw na nyang maalala. Sa halip ay binago nya ang usapan. “Sabi ko na nga ba Delbert, kayo rin ang magkakatuluyan ni Amy. Nung highschool tayo ang sweet-sweet nyo. ” Sa kanyang likuran ay may bumati sa kanya. “Oh Pamela. Ikaw pala, musta?”naalala parin ni Mina ang isa rin nyang matagal nang kaibigan. “Kamusta ka na? Uy anak mo ba yan. Ang cute cute.” “Oo, pang 10 na namin ito ni John,” biglang nalungkot ang mukha ni Pamela. Halata na may tinatago itong problema. “Ikaw, may asawa ka na ba? Musta na kayo ng nobyo mo dati na si Dereck?” tanong ni Pamela. “Ay wala na kami. Nag seryoso na kasi ako sa pag aaral nung college hanggang nakapasa ako sa pagiging doktor. Ngayon ay wala na muna akong love life. Inuuna ko muna ang aking trabaho. Siguro ganito na ako na tatandang dalaga.” biro ni Mina. “Hindi naman, magkakaasawa ka rin. Ayun si Dereck oh lapitan mo dali.” Lumingon agad si Mina. Nakita nga niya si Dereck. Pero may babaeng lumapit sa kanya. Siguro asawa nya iyon. Nalungkot si Mina. Natapus na ang reunion ng gabing iyon, kinabukasan kahit puyat ay nagawa pang puntahan nila Amy at Mina ang dating nilang kaibigan na hindi na nila makakasama habang sila ay nabubuhay. Nagtungo sila sa puntod ni Mary Chua sa North Cemetery. Hawak nila ang litrato nila noong kumpleto pa sila. Dito nalang sa larawang ito makikita ang dati nilang pinagsamahan. Sinariwa nila ang ang mga nakalipas. Dito ulet naiyak ang dalawa. Alam nga nila na hindi sila maghihiwalay. Manila, 2008 (limang taon na ang lumipas) Teka, ano na ang nangyari sa mga bida natin? Nang nakagraduate ang buong IV-Rizal, kumuha ng kursong journalism si Bert. Mahilig kasi sya mag sulat ng kwento. Naging writer sya sa isang sikat na pahayagan. Pangalan ng dyaryo —“SAGAD” ang libog talaga. Natupad ang pinapangarap nya kay Kat. Nagkaruon sila ng 3 anak pero hindi pa sila kasal. Si Rj ay naging seryoso sa pag aaral. Kumuha sya ng nursing dahil gusto nyang magtrabaho sa ibang basa. Pero hanggang ngayon ay hindi parin natutuloy ang kanyang flight dahil nawawala ang kanyng passport. Si Jake? Pwes naging teacher sya sa isang pampublikong paaralan dito sa Maynila. Teacher sya ng mga makukulit na grade 1. Mababa ang pasensya nya sa mga makukulit na bata kaya sinisigawan rin nya ito ng “Tanga, bobo, inutil, hampas lupa, walang alam, mangmang, inutil!” tulad ng pang asar nya kay Bert dati. Nagkahiwalay nga 3 magkaibigan. Pero alam nila na hinding hindi sila maghihiwalay sa ala-ala. “Masayang wakas” “Para sa mga tunay kong kaibigan, alam kong hinding-hindi tayo maghihiwalay ” --Mary Chua
Posted on: Sat, 17 Aug 2013 01:36:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015