TUWANG-TUWANG nagkuwento sa amin si Sheryl Cruz na babalik uli - TopicsExpress



          

TUWANG-TUWANG nagkuwento sa amin si Sheryl Cruz na babalik uli siya sa paggawa ng teleserye sa Kapamilya Network. Kinuha raw siya ng ABS-CBN para gumanap sa isang papel sa Galema. Challenging daw ang role na gagampanan ni Sheryl sa nasabing fantaserye na pagbibidahan ni Andi Eigenmann. “Magiging busy na naman tayo muli, Kuya Jimi. Sana magtuluytuloy na ang pagbabalik showbiz ko at sana tuluy-tuloy na muna tayo dito sa ABS,“ sey pa ng aktres. Bukod kay Andi Eigenmann ay makakasama rin niya sa Galema ang pinsang si Sunshine Cruz, sina Matteo Guidicelli, Lito Legaspi at marami pang iba. Matagal-tagal na ring hindi nagkakausap sina Sheryl at Sunshine. Nagkaroon ng samaan ng loob ang magpinsan mula nang mamatay ang ama ni Sheryl na si Ricky Belmonte. Pero isang ngiti lang ang sinagot ni She nang tanungin namin kung nagkaayos na ba ang pamilya nila sa pamilya naman ni Sunshine, huh! Samantala, matagal nang hiwalay sa asawang si Norman Bustos si Sheryl pero hanggang ngayon ay nanatiling zero pa rin daw ang lovelife niya.
Posted on: Fri, 09 Aug 2013 20:37:46 +0000

Trending Topics



lass="stbody" style="min-height:30px;">
# # মুহাম্মদ ইউসুফ এর
Molecular Microbial Ecology of the Soil: Results from an FAO/IAEA
Getting ready for our annual family beach trip as part of my own

Recently Viewed Topics




© 2015