Taclobanons, napatalon sa tagumpay ni Pacman JUN LALIN - TopicsExpress



          

Taclobanons, napatalon sa tagumpay ni Pacman JUN LALIN DINUMOG pa rin ng government officials, politicians, celebrities at personalities from high society ang boxing fight ni Cong. Manny Pacquiao laban kay Brandon Rios sa Cotai ng Venetian sa Macau. Kuwento ng isang friend ko na nandoon, nakita niya sina Manila Mayor Joseph Estrada, Sen. Ping Lacson at iba pang politicians. Masaya raw ang ambiance sa Venetian lalo na at nanalo si Pacquiao kahit sabihin pang hindi niya na-knockout si Rios. Kahit sa Tacloban City at iba pang lugar sa Kabisayaan, ipinagbunyi ang panalo ni Pacquiao. Ang mga taga-Tacloban, nagkaroon ng libreng live screening ng Pacquiao-Rios boxing fight. Kitang-kita sa mga mukha ng mga tao roon ang kagalakan na nanalo ang Pambansang Kamao. Marami ang napatalon sa tuwa! Nanood ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ng Pacquiao-Rios boxing fight. Sabado nang madaling-araw nang magpunta sila sa Philippine Airlines Terminal 2 para sa kanilang flight pa-Hong Kong kasama ang kumare nilang si Mary Ann Opeña. Sa bandang hapon sumunod sa kanila sina Ruffa Gutierrez at Sarah Lahbati. Si Sarah lang ang nakasama kay Ruffa dahil si Richard Gutierrez ay hindi puwedeng umalis. Kagabi ang hosting nila ni Raymond Gutierrez ng Star Awards for TV sa AFP Theater ng Camp Aguinaldo. Noong una, isasama sana ni Bisaya si Ri­chard sa Macau, pero nang ma-realize niya na mahihirapang makabalik ng 5:00PM sa Pilipinas ang anak para makahabol sa hosting ng awards night ng PMPC (Philippine Movie Press Club), hindi na nag-insist ang misis ni Tito Eddie. Si Ruffa ang nagkuwento sa akin na kasabay nila sa flight sina Erap at Phillip Salvador. Pagdating nina Ruffa at Sarah sa airport ng Hong Kong, nakita nila roon si Cesar Montano na nanood din ng boxing fight. Nakipagtsikahan muna sina Ruffa at Sarah kay Cesar. Weekend naman, kaya nakaalis si Cesar at wala siyang taping ng Akin Pa Rin Ang Bukas ng GMA 7. Habang ongoing ang boxing fight, panay ang rosaryo ni Bisaya. Nagdarasal man, sobrang lakas mag-cheer ni Bisaya para kay Pacquiao. Sabi ni Ruffa, after ng boxing fight, sa lakas ng tili ni Bisaya ay obvious na nakita ito ni Pacquiao. Sobrang react din si Bisaya habang ongoing ang boxing fight nina Pacquiao at Rios. Last minute ang desisyon ni Bisaya na magpunta sila ng Macau dahil hindi kaagad niya nalaman na may tickets na nakalaan si Pacquiao para sa kanyang pamilya. abante-tonite/issue/nov2513/showbiz_jl.htm#.UpJMcrDn-M8
Posted on: Sun, 24 Nov 2013 19:01:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015