Tagalog news: 7ID, nagtatag ng sariling kooperatiba By Camille C. - TopicsExpress



          

Tagalog news: 7ID, nagtatag ng sariling kooperatiba By Camille C. Nagano FORT RAMON MAGSAYSAY, Nueva Ecija, Hunyo 28 (PIA) -- Itinatag kamakailan ng 7th Infantry Division (7ID) ng Philippine Army ang sarili nitong kooperatiba upang magbigay ng oportunidad sa mga sundalo, kanilang pamilya at iba pang empleyado ng dibisyon na mapagyabong ang pinagkukunang kabuhayan. Sinabi ni 7ID Commander Major General Gregorio Pio Catapang, Jr. na mayroong malawak na lupain ang headquarters nila sa Fort Magsaysay na maaring ipagamit sa mga magnanais na magtatag ng negosyo sa larangan ng agrikultura, aqua culture, poultry o livestock business. Ilan pa sa mga serbisyong maihahatid ng kooperatiba ay ang ayuda mula sa credit services, consumer store, security agency, sports and recreational services and real state. Dagdag pa ni Catapang na dalawang daang piso lamang ang nakatalagang membership fee.
Posted on: Mon, 01 Jul 2013 06:19:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015