Tama! Dapat mag sama-sama ang buong Senado at Kongreso na - TopicsExpress



          

Tama! Dapat mag sama-sama ang buong Senado at Kongreso na tanggalin ang PORK BARREL na yan upang maiwasan ang talamak na CORRUPTION, sa ating pamahalaan. Kung talagang walang itinatago itong mangilan ilang law makers sa madla, dapat makinig sila sa panawagan nang taong bayan. Kaya kayo inihalal namin dahil nag tiwala kami sa inyong kakayahan. Huwag sana ninyo sayangin ang boto naming mga maralita. Nang dahil sa amin kayo ay nakilala, hindi lamang dito sa ating bansa, ganun din sa buong mundo. Kaya irespito ninyo ang panawagan nang karamihan, dahil kaming mga mamamayan ang inyong mga BOSS! Simulan na ang pag imbestiga sa PORK BARREL SCAM, upang matapos na ang problema. Nang ang ating bansa makalaya na sa kamay nang mga gahaman sa kapangyarihan. Parusahan nawa kayo nang DIYOS, sa inyong mga kasalanang nagawa sa inyong kapwa... at sa bayan. Sa mga government elected officials mag handa kayo dahil kayo rin ay susunod na imbestigahan nang taong bayan. Saan ninyo itinatago ang pera nang bawat Munisipyo at Barangay, bakit hanggang ngayon ay wala kaming naki kitang improvement. Ang pera ba namin ay ipinagawa ninyo nang mga mansiyon, malalawak na lupain sa apat na sulok nang mundo? Dapat hindi na mag bayad nang buwis ang mga guro, dahil napupunta lang sa HANGIN, ang aming mga pangarap. Na maka tulong sa inang bayan. Karmahin sana kayong mga kawatan, sa bansang inyong binigyan nang kahihiyan sa buong mundo.
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 19:04:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015