Tapos na pala... Hindi lang siya nagsasalita. Hindi lang siya - TopicsExpress



          

Tapos na pala... Hindi lang siya nagsasalita. Hindi lang siya nagsasabi. Pero ang totoo matagal na kayong tapos. Baket? Minsan kasi may mga bagay na kahit hindi sabihin, kahit hindi ipaalam, obvious na. Sa mga kilos pa lang. Hindi na nagpaparamdam, hindi na nagtetext. Hindi na tumatawag. Minsan hindi na rin nagpapakita. Eh ganun eh. Kumbaga, cold na. Wala na yung dating init. Wala na yung dating pagtingin niyo sa isa’t-isa. Kung iisipin mo, yung dating akala mo magtatagal at hindi matatapos, ngayon tapos na. Ngayon wala na. Pwedeng mahirap tanggapin, pero pwede ring namang wala lang sayo. Baka okay lang sayo kasi malaya ka na. Wala ka nang poproblemahin. Minsan talaga nangyayari ang ganitong mga bagay. May mga taong dadating lang sa buhay natin para magsilbing aral, hindi ibig sabihin na nandyan sila ay nandiyan sila habangbuhay. Mawawala rin sila, kahit gano pa sila katagal nagstay sa buhay mo.. *santeodoro*
Posted on: Wed, 24 Jul 2013 19:52:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015