Thank You Thank you din pag may Time.... Luke 17:15,16 And one - TopicsExpress



          

Thank You Thank you din pag may Time.... Luke 17:15,16 And one of them, when he saw that he was healed, turned back, and with a loud voice glorified God And fell down on his face at his feet, giving him thanks: and he was a Samaritan. Noong unang panahon na wala pang nadidiskubreng gamot para sa leprosy, lepers were social outcasts because of their highly contagious disease. Sa ating pinagbubulaybulayang talata ngayong araw, Sampung may ketong ang lumapit kay Hesus upang humingi ng awa ng kagalingan at sa kanyang habag kanyang ibinigay ang kanilang hiling...Pinagaling silang lahat ng ating panginoon. Can you imagine? These lepers had an awful disease. Their bodies were slowly deteriorating — and worse, they were shunned from their friends and family and forced to live in a community of only those who were too withering away. Suddenly merciful Jesus comes along and poof! the sickness leaves them! How life changing! These people must have been overjoyed! Now they could go back to their families, their homes, their communities and live normal lives! Subalit habang binabasa ko ang kasaysayan something struck me. Only one of them returned to thank the Lord! Nasaan ang siyam? Noong bata pa ako isa sa sunday school song na naituro sa amin ni ate Pings Munsayac Mazo noon ang tungkol sa mga talata sa itaas... may sampung maysakit pinagaling ni Hesus ang siyam ay umalis ang isa ay bumalik at siya ay lumuhod sa paanan ni Hesus at sinabi niyang salamat po salamat po Hesus!!! Ano nakanta mo ba? But how often like the nine do we do the same? We get so focused on our blessing and forget about the One who gave it! Just as the Samaritan returned to Jesus to thank and worship Him who had redeemed his life, we too must thank God — for every good and perfect gift comes from Him and He deserves all the honor and the glory! And as a matter of fact, one of the cornerstones of effective prayer is entering His gates with thanksgiving and praise. Lets start thanking God for all His goodness toward us! Masarap nga naman na ienjoy ang blessings, kung salapi at kayaman diba nao overwhelmed tayo kaya kung kanino galing nakakalimutan nating mag thank you man lang? Alam mo kapatid, lahat ng meon ka ngayon, ano man yan at gano man yan karami, biyaya yan ng Dios...Ang buwan ng October ay buwan ng pagpapasalamat sa mga pastor, tradisyon ito na nakasanayan na ng mga kapatirang Unida sa Pilipinas...Wala ako sa posisyon na ipahayag ito kasi pastor din ako...Pero sana sa buwang ito gawin nating espesyal para sa mga mangagawa lalo na doon sa mga nakita naman ninyo ang kanilang pagpapagal sa konting sweldo na kanilang tinatanggap, sa mga panahon na nagsakripisyo sila para sa Iglesia, sa mga sermon na kanilang inihanda, at sa mga panahon na nahipo nila ang inyong buhay sa pamamagitan ng kanilang mga matiyagang dalangin...Hindi mahalaga kung material na bagay ang gagawin at gagamitin ninyong pagpapahalaga...Ang importante naalala ninyo na magpasalamat....Pero ang higit at importante sa lahat ang pasalamatan natin ang ating panginoon sa lahat ng kanyang mga kabutihan — God has given us so much! But let’s be sure that we make daily habit of thanking God first!
Posted on: Mon, 06 Oct 2014 10:46:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015