Thank you, Pope Francis! Sobrang thankful ko kasi dininig ni - TopicsExpress



          

Thank you, Pope Francis! Sobrang thankful ko kasi dininig ni Lord yung prayers ko sa Kanya. We decided na sa UST muna kami pumunta before sa Quirino Grandstand para may 50-50 chance kami na makita si Pope. Kasi kung sa Quirino kami pupunta diretso, walang chance na makita Siya. 3:45 am of January 18, 2015 when we arrived in UST. Simula Burger King Welcome Rotonda to UST yung nilakad namin. Ang dami ng tao sa labas ng UST non. Literal na Sea of People. Parang yung napapanood ko sa tv tuwing Feast of the Black Nazarene. Sabi 4am magpapasok pero it took 2 hours bago magpapasok sa Gate 1 ng UST. Lahat ng tao nagagalit na. May mga bata, matatanda, mga mayayaman at ordinary people pero lahat naging pantay-pantay habang nasa labas ng UST. Sobrang hirap nung sitwasyon sa labas. Ang dinasal ko nalang nung time na yon, Lord, please let us in. Dininig ni Lord yung prayer ko and nakapasok kami nila mama papa and Marco sa loob. Kami na yata yung huling nakapasok sa Gate 1 tapos nag-stop na sila. 6:45 am na siguro nung nakapasok kami. Sobrang nakakapagod pero hindi na kami pumetiks non kasi we had to look for a perfect spot para makita si Pope. Unfortunately, ang dami ng tao sa loob. Hindi pa pala don natatapos yung challenge samin. Kanya-kanya sila ng latag ng banig para ma-secure yung place nila. Parang UST Paskuhan lang ang peg. Naghanap nalang kami ng place na medj konti yung tao, yung tipong pag dumating na si Pope at tumayo yung mga taong nakalatag ng banig, makakapunta kami sa harap. Another 2 hours and 30 minutes na tayo na naman ginawa namin para lang sa medj magandang spot namin. Hindi na kami umalis doon kasi mahirap na mawalan ng pwesto. Ang sakit na ng legs ko. Nagka-cramps na rin si Marco. Pero tiniis namin. Nandon na kami eh. Nakaya nga namin yung grabeng experience sa labas, ano pa ba yung konting oras nalang na hihintayin makita lang Siya. That time ang dinasal ko nalang, Lord, sana po makita ko si Pope. Kahit konti lang po. And dininig ulit ni Lord yung dasal ko. Kahit konti nakita ko si Pope. Sa liit kong to, nakipagbalyahan talaga ako sa mga tao na mas malaki at matangkad sakin basta makita lang si Lolo Kiko. Nakakawala ng pagod nung nakita ko Siya. His smile is the most genuine smile Ive ever seen. Thank you Lord for hearing my prayers! Thank you, Pope Francis for visiting us! Edited video na kuha ko and ni Marco. Buti nalang kahit nasa likod siya, maganda yung kuha niya kasi matangkad siya. Ako tong nasa medj harap, ang gulo ng kuha. Hehehe..
Posted on: Mon, 19 Jan 2015 10:55:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015