“The Key to Understanding All Parables” (Mark - TopicsExpress



          

“The Key to Understanding All Parables” (Mark 4:13-20) “The Lord Jesus Himself told us that this ‘Parable of the Sower’ is the key to understand all parables. Let’s take a look in our text found in the Gospel of Mark the fourth Chapter and verses thirteen to twenty; “And he said to them, “Do you not understand this parable? How then will you understand all the parables? The sower sows the word. And these are the ones along the path, where the word is sown: when they hear, Satan immediately comes and takes away the word that is sown in them. And these are the ones sown on rocky ground: the ones who, when they hear the word, immediately receive it with joy. And they have no root in themselves, but endure for a while; then, when tribulation or persecution arises on account of the word, immediately they fall away. And others are the ones sown among thorns. They are those who hear the word, but the cares of the world and the deceitfulness of riches and the desires for other things enter in and choke the word, and it proves unfruitful. But those that were sown on the good soil are the ones who hear the word and accept it and bear fruit, thirtyfold and sixtyfold and a hundredfold.” Kaya naging susi ang talinhaga ng paghahasik ng pagka-unawa sa lahat ng talinhaga, ito ay dahil patungkol sa Salita. Napakalinaw ang interpretation na ang maghahasaik ay naghasik ng Salita. Ang tinutukoy dito ay ang Salita ng Diyos na itinanim una ng Anak ng Diyos na si Hesus sa pamamagitan ng Kanyang pangangaral. Kaya kung hindi natin naunawaan ang talinhagang ito hindi na natin mauunawaan pa ang iba pang talinhaga. Ibig sabihin, kapag di natin naintindihan ang Salita ng Diyos dina natin maintindihan pa ang ibang bagay. Ang Salita ng Diyos o ang pananampalataya ng Salita ng Diyos ang siyang susi sa pag-unawa sa lahat ng bagay bagay. Sinabi ng Lord sa interpretation ng talinhaga na iyong mga binhing nalaglag sa mga batuhan ay Salita ng Diyos na naitanim sa mga puso ng tao, kaya lang, dahil hindi ito naunawaan (Matthew 13:19) agad agad dumating si Satanas at kanyang ninakaw ang nakatanim na Salita sa puso ng tao. Ang Salita ng Diyos ang susi sa lahat ng kaalaman at karunungan. Kapag ang isang tao ay sumampalataya sa kapahayagan ng Salita ng Diyos magkakaroon siya ng matinding sandata laban sa kaaway. Kaya nga bago ito magka-ugat sa ating mga puso ninanakaw na agad ng kaaway upang hindi ito lalago. Alam kasi ng ating kaaway kapag ito ay naka-ugat na sa ating puso ito na ang magiging susi sa lahat ng kaalaman. Tandaan natin na ang dahilan lahat ng kapahamakan ay dalawang bagay: ito ay lack of knowledge at rejecting knowledge. “My people are destroyed for lack of knowledge; because you have rejected knowledge, I reject you from being a priest to me. And since you have forgotten the law of your God, I also will forget your children.” (Hosea 4:6) The key to freedom is knowledge, and the key to knowledge is the truth, and the key to truth is God. Therefore the key to freedom is not just knowledge, but knowledge of the truth. Jesus said; “And you will know the truth, and the truth will set you free.” (John 8:32) And He also said in John 14:6; “I am the way, and the truth, and the life. No one comes to the Father except through Me.” Tapos sinabi Niya ulit sa Gospel of John; “So if the Son sets you free, you will be free indeed.” (John 8:36) Napakalinaw na ang susi ng lahat ng kalayaan ay si Lord mismo dahil Siya ang ang katotohanan. Ito rin ang susi sa lahat ng pagka-unawa sa lahat ng talinhaga. Kapag tinanggap at sinampalatayanan ang Salita ng Diyos na nahasik sa ating mga puso hindi na tayo magiging mangmang at ignorante sa mga bagay bagay. Tayo ay ganap na malaya dahil sa ating mga kaalaman sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Ngayon maiintindihan pa natin lahat ng parable dahil nasa atin na ang susi.”
Posted on: Sat, 02 Aug 2014 00:04:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015