‘Til the end of time She kept herself away from her - TopicsExpress



          

‘Til the end of time She kept herself away from her classmates. She even ignores those who want to be her friend. Just because of her family. No, only because of her mother who became a mistress of their College Dean. Oh well, kasalanan ng nanay niya dahil sa edad nitong 45 ay nagawa pa nitong gumawa ng isang nakakahiyang bagay. They are not that poor dahil may sariling boutique ang kanyang ina. Ngunit ang napakalaking tanong niya dito ay kung ano ang pumasok sa isip nito at pumatol ito sa may asawang Dean nila. Nasa fifty na ang dean nila at may anak itong tatlo at buhay pa naman ang asawa nito na isa ring Professor sa kanilang Unibersidad. And, the worst thing pa, ay kaklase niya ang bunsong anak ng kanilang Dean. Nakaupo siya noon sa isang bench sa kanilang college at hinihintay ang susunod na subject niya. At heto na naman ang mga taong nadadaanan siya, halos maging giraffe na ang mga leeg sa kakalingon sa kanya at nagbubulungan pa ang mga ito. Instead na magalit siya sa mga ito ay inignora na lamang niya ang mga ito. Bumuntong-hininga siya bago nagsabing… “I’m tired and sick of this kind of life, pero wala akong magagawa kundi patuloy na maging matatag. I’m alone and I need to stand on my own. Life is beautiful kahit na ganoon ang ginawa ng mommy. Even if hindi na sila nagkikita ni Dean, nakatatak na iyon sa isipan ng mga tao.” Nasabi na lang niya sa sarili. Ng marinig niya ang hudyat na pwede na siyang pumasok sa room nila ay tumayo na siya at inayos ang mga aklat maging ang kanyang bag. Ngunit bago pa siya makapasok sa silid ay humarang na ang isang bulto ng lalaking pilit niyang iniiwasan ngunit hindi naman pwede dahil nga iisa ang kursong kinukuha nila maging ang section nila. Tiningala niya ito dahil sa 5’2” lang ang height niya at ito naman ay 6” ang taas. Nanlilisik ang mga matang nakatitig ito sa kanya. Ngunit blangko lang naman ang ipinukol niyang tingin dito. “Why don’t you just drop all your subjects? O baka naman ikaw na ang nakikikabit ngayon sa dad ko?” pang-iinsulto ni Rondiel Yap, ang pinakabunsong anak ng kanilang Dean na si Roberto Yap. Sa lahat ng anak nito na puro lalaki ay ito lang ang galit na galit sa kanya. Oo at nagalit ang dalawa nitong kapatid sa kanyang mommy ngunit hindi siya idinamay ng mga ito sa galit nila dahil wala naman daw siyang alam doon. Sa kung anuman ang ginagawa ng mommy niya. Ngunit ang isang ito kasama ng mga kaklase niya na akala mo mga galing sa maaayos na pamilya ay tila nandidiri pati sa kanya. Imbes na patulan ang sinabi ni Rondiel ay nginitian niya ito ng matamis na siyang lalong nagpainit ng ulo nito maging ng mga babaeng habol ng habol dito na wala namang kapag-a-pag-asa. “Excuse me, class will start any minute.” bagkus ay sabi pa niya dito na matamis na nakangiti. Maging ang mga kaklase niya ay nginitian niya ng pagkatamis-tamis. Wala naman sa sariling binigyan siya ng way para makapasok na sa loob ng silid. Maging ang mga classmates niya ay hindi na rin nagsalita. Sa isip-isip niya… “Naging Popular pa ko dahil sa kamaliang ginawa ng mommy ko.” napapangiting saisip niya. Kasama pa naman niya sa bahay ng mommy niya, ngunit isang taon na silang walang kibuan at tila may mga sariling mundo. Her father died when she was 15 years old due to heart attack. 4 years later nagloko ang mommy niya. Ng malaman niya ang ginawang iyon ng mommy niya ay isang buwan din siyang nagmukmok lang sa kanilang bahay. She can’t face her classmates especially ang asawa ng kanilang Dean. Well galit din siya sa kanilang dean pero unti-unti rin niyang pinatawad ang mga ito. Kahit na hindi niya kinakausap ang mommy niya ay alam niya sa sarili niya na hindi na siya galit dito. Natapos ang kanilang klase na unang beses na hindi siya pinag-initan ng kanilang Instructress. Palabas na siya ng silid na iyon ng biglang may pumatid sa kanyang paa. Akala niya ay walang gagawa ng ganoon sa kanya ng araw na iyon ngunit nagkamali siya. Hindi na niya mapipigilan ang pagtumba niya sa sahig dahil nawalan na siya ng panimbang sa katawan. Ngunit bago pa man siya matumba ng tuluyan ay isang mabilis na pagsalo ang ginawa ng isang lalaking huling maiisip niyang sasagip sa kanya mula sa isang kahihiyan. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso sa ginawang iyon ni Rondiel. Ingat na ingat pa itong itinayo siya. Ngunit ng tangkain na niyang siya na mismo ang magtatayo sa sarili niya ay siya namang pagkawala ng panimbang ng binata kaya ayun at pareho na silang natumba. Napamulagat pa siya ng hindi lang simpleng pagtumba ang nangyari sa kanila kundi nakadagan ito sa kanya at ang mas nagpabilis pa ng tibok ng kanyang puso ay ang paglapat ng bibig nito sa bibig niya. ‘Oh my, my first kiss. It can’t be.’ Pero kahit na anong gawin niya ay wala na siyang magagawa pa kundi ang tumayo nalang at isiping walang nangyari. Tila hindi naman makapaniwala si Rondiel sa nangyari. Maging ang kanilang mga kaklase lalo na ang barkada ni Rondiel. “Shit!, Sinsadya mo ano?” galit na turan ni Rondiel ng makatayo na sila ng maayos. “Jenine Sandoval, Rondiel Yap, anong kaguluhan ito?” bago pa man niya masumbatan si Rondiel ay siya namang pagdating ng kanilang Adviser sa Thesis. Kinalma niya ang sarili at may ngiting tumingin sa kanilang Adviser na si Mrs. Arriola. “Ma’am, I just fell down at tinulungan lang ako ni Mr. Yap, but don’t worry, wala pong gulo.” Kalmanteng turan niya. At sukat doon ay kinuha na niya ang kanyang mga gamit na nahulog sa sahig at umibis na sa lugar na iyon. Oh yeah, she kept on pretending she’s okay. But deep inside, she’s hurt. And it always breaks her heart. Nagtungo siya sa likod ng kanilang building at doon ibinuhos ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mala perlas na mata. It was the first time she let those tears out. Lagi niyang ipinapakita sa mga tao na manhid na siya sa mga panlalait at pangmamata ng mga ito sa kanya. Ngunit sa bawat araw na pumapasok siya ay yun din ang mga araw na gusto niyang sumigaw at humagulgol. Ngunit pinilit niyang pinatatatag ang kanyang sarili. But now, she can’t control herself but to cry. “I never ask for this kind of treatment, hindi ko ginustong maging kabit ang ina ko. Pero bakit parang sobra na ang pasakit na nararanasan namin?” usal niya sa sarili habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang luha. Habang patuloy siya sa pagluha ay hindi naman niya napansin na may isang taong pinagmamasdan ang bawat pagyugyog ng kanyang balikat. Nasasaktan siya sa nakikita. Lagi niyang nakikitang nakangiti ito at ang buong akala niya ay wala itong pakialam sa mga taong nanghuhusga sa kanya. Maging siya ay hinusgahan niya ito. Ngunit iyon ay dala lang sa galit niya sa ina nito at sa kanyang sariling ama. He knows what Jenine feels. Tao lang din ito na may pusong nasasaktan. Ngunit ang damdamin na namuo sa puso niya ay hindi niya napigilan. Sa kabila ng galit niya sa ina ni Jenine ay nagawa niyang maglaan ng pagmamahal para sa dalaga. Ni hindi niya inasahan na mahuhulog siya dito. Ilang beses niyang inignora ang damdamin niya para dito. Kung anu-ano ang ginawa niya para lang hindi lumalim ang pag-ibig na nabuo sa kanyang puso ngunit sa bawat araw na nakikita niya ito ay tila isang biro naman na gusto niyang yakapin ito. Natuwa nga siya kanina ng sa wakas ay nahalikan na niya sa labi si Jenine ngunit naiinis siya sa sarili niya kung bakit iyon ang lumabas bibig niya kanina. Imbes na tanungin ito kung ayos lang ba ito. At ngayong nakikita niyang umiiyak ito, ngali-ngali niya itong daluhan at mahigpit na yakapin, ngunit naunahan siya ng takot at hiya. Parang pinipiga ang puso niya sa nakikita. Kalahating oras na itong naroon ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Ng mapansin niyang medyo dumidilim na ay hinamig na niya ang kanyang sarili at tumayo mula sa pagkakaupo. She needs to talk to her mom now bago pa mahuli ang lahat. Oo at bata pa siya ngunit dapat ay sinusulit niya ang kanyang mga oras sa mga mahal niya sa buhay. Ngunit sa bahaging iyon naman na kanyang naisip ay biglang rumehistro ang mukha ng lalaking unang nakahalik sa kanya. Oo at hindi nito sinadya ang halik na iyon pero para sa kanya ay napakahalaga ng kanyang unang halik na kay Rondiel pa niya nakuha. Isang ngiti ang siyang sumilay sa kanyang mga labi. Naaalala niya ang mga mata ng binata na kulay tsokolate na singkit, ang mga pilik nitong mahahaba tulad ng kanyang mga pilik. Ang ilong nitong katamtaman ang tangos na bumagay sa bawat korte ng mukha nito. At ang mga labi nitong tila nang-aanyayang halikan ito. Napailing siya sa naisip. Kanina lang ay umiiyak siya ngunit ngayon ay napapangiti at nakakapag-isip na siya ng mga bagay na hindi naman dating pumapasok sa kanyang isipan. When she got home, agad niyang hinanap ang ina at doon sa terasa niya ito natagpuan na nakahalukipkip. Dinaluhan niya ito at tumabi sa kinauupuan nito. “Mom?” bungad niyang sambit dito na hindi man lang siya namalayang naroon na. Nagtaas ito ng tingin at tiningnan siya. Kitang-kita niya ang mugtong mata nito. “Jenine, honey, I’m really sorry.” At doon unang beses niyang narinig ang mga salitang iyon sa kaniyang ina. At kasunod nun ang pagbuhos ng luha nito. Hindi siya nakatiis at niyakap niya ang inang siya lang ang siyang alam niyang magiging karamay nito na dapat ay noon pa. “Mom, I’m sorry.” Sambit niya habang mahigpit na yakap ang ina. Kumalas ang kaniyang ina sa pagkakayakap niya at hinarap siya. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. “Jenine honey, don’t make yourself away from those people who are willing to be your friend. They are not like others na makikitid ang utak. Let them become part of your life.” Payo ng kaniyang ina. “Mom, it’s not that, I just keep distance because I don’t want them to suffer too like me.”Ang sagot naman niya. Binitawan na ng mommy niya ang kaniyang mukha at tumingin ito sa kawalan. “I know I did the craziest thing na pwedeng gawin ng isang tulad kong namatayan ng asawa. And I’m really sorry for that, Honey, I hope someday you’ll forgive me.” Muling sambit nito ngunit nakabaling pa rin ito sa kawalan. Ginagap naman niya ang kamay ng ina. “Mom, you’re already forgiven. At, tao ka lang din na nagkakamali, ngunit may panahon pa naman upang magbago hindi po ba?” at isang ngiti ang kaniyang pinakwalan. Mas lalong napaiyak ang kaniyang ina sa kaniyang sinabi at ito na ang mahigpit na yumakap sa kaniya. Maayos na silang mag-ina. At ng sumunod na araw ay sunod naman niyang kinausap ang asawa ng kanilang Dean. Na noong una ay ayaw siyang kausapin ngunit nagpaunlak din ito at pinakinggan ang kung ano man ang nais niyang sabihin dito. She said sorry for her mother. Kahit na ilang beses ng nagtungo ang ina niya sa mismong bahay pa ng mga ito. “I know, mahirap pong makalimot lalo at kahihiyan ng inyong pamilya ang pinag-uusapan at muntik ng masira ang pamilya niyo dahil sa mommy ko, pero siguro po ay sapat na ang mga masasakit na salitang ibinabato sa amin ng mga tao upang pagbayaran ang kasalanan ng mommy ko at ng asawa po ninyo. Alam kong masakit para sa inyo, pero gusto ko lang pong maunawaan niyong mahirap din po para sa amin ang nangyari kaya sana naman po ay buksan niyo ang puso niyong magpatawad.” Sinserong saad niya. Ngunit hindi kumibo ang ginang. Kaya naman lumabas nalang siya at ipinagpatuloy ang pagiging isang estudyante. “Damn! Hindi niya dapat ginagawa iyon, Dad, kayo ang dapat na kumakausap kay mommy.” Galit na turan ni Rondiel sa ama. Dahil lahat ng sinabi kanina ni Jenine sa kaniyang mommy ay narinig niya. “I know, but your mom is not easy to talk to, you know what I mean, Rondiel. But I thank God that Jenine did spoke to her.”Sagot naman ng kaniyang ama. “It’s your entire fault, kayo dapat ang gumagawa niyon at hindi siya, pero para sa ikaaayos ng lahat siya na ang gumawa. Dad, she’s a nice girl, at sana, maayos na ninyo ng mommy ang lahat.” Iyon lang at tumalikod na siya sa ama. Mag-isang nakaupo si Jenine sa kaniyang tamabayan sa benchna katabi ng kanilang building. She was reading her book kaya naman hindi na niya napansin ang paglapit ng isang lalaki sa kaniyang kinauupuan at naramdaman nalang niya ito ng tumabi ito sa kanya at bahagya siyang napapitlag ng magkadikit ang kanilang balat. Pangalawang beses na niyang nararamdaman iyon. Ang una ay noong tinangka ni Rondiel na saluhin siya sa pagkakabagsak sa sahig noong isang araw. Tiniklop niya ang kaniyang libro at bumaling sa katabi. At ng masilayan niya ang nakangiting lalaking unang pumasok sa isip niya ay tumambol ng kaba and yet excitement ang naramdaman niya. Ngunit upang hindi nito malaman ay tinaasan niya ito ng kilay. “What the hell yo want now?” tanong niya at bahagya siyang lumayo dito. He clears his throat before he talks. “I just want to say sorry, I hope you’ll learn to forgive me.” Sinserong turan nito. Nakikita niya sa mga mata nito na bukal sa loob ang paghingi nito ng tawad kaya naman hindi na niya napigilan ang sariling hindi ito patawarin. Ngunit sa totoo ay hindi naman talaga siya galit sa lalaki. “You don’t have to, I understand. And don’t think na nagalit ako sa mga pinaggagawa niyo sakin, sa lahat ng mga sinabi niyo, I just accept the fact na hindi na ko matatanggap ng mga tao dahil sa kasalanan ng ina ko.” Pagkasabi niyon ay tatayo n asana siya ngunit pinigilan siya nito at doon na naman nagrigodon ang kaniyang puso. “Can we be friends?” Nagsusumamong tanong nito. Nanghihina siya sa mga titig nito. Ang mga mata nitong singkit na akala mo’y laging nakangiti. “Rondiel… don’t make fun of me, pinatawad na kita. Siguro naman ay sapat na iyon.” Pakiusap niya sa binata pero pakiramdam niya ay talagang nanghihina siya at parang bibigay na ang tuhod niya. Ngunit hindi dahil sa titig ni Rondiel kundi iyon talaga ang nararamdaman ng katawan niya. “Jenine, I’m not making fun of you. I never think that way, I just want you to be my friend. And I want to…Jenine!” bulalas nito at hindi na naituloy ang sasabihin ng tuluyan na siyang mawalan ng malay. Agad naman siya nitong nasalo at dali-dali nitong binuhat ang walang malay na katawan ni Jenine. Agad itinawag ni Rondiel sa mommy ni Jenine ang nangyari at hindi matapos-tapos sa pasasalamat ang mommy nito. “Maraming salamat talaga, Hijo. Sa laki ng kasalanan ko sa pamilya niyo ay nakuha mo pa ring magmalasakit sa anak ko.” Lumuluhang sambit ng mommy ni Jenine. Nanaig naman ang awa ni Rondiel sa mommy ni Jenine kaya isinantabi muna niya ang galit dito ngunit naisip din niya, panahon na rin sigurong magpatawad ng kaniyang puso. “Kahit sino pong makakakita sa kaniya ay gagawin ang ginawa ko.” “No, I know you had a good heart. And I thank you for that.” Saad naman nito. Ngumiti na lang siya dito at lumabas na lamang siya upang mabigyan niya ng pribadong oras ang mag-ina. Aaminin niya sa kaniyang sarili, labis siyang kinabahan kaninang sa mismong mga bisig niya bumagsak ang malambot na katawan ni Jenine. At nakaramdam siya ng awa dito. Ngunit may isa pang damdamin ang mas nanaig, ang lihim na pagmamahal niya sa dalaga. Nagtataka siya, napapansin niyang iniiwasan siya ni Jenine. Dalawang lingo ang nakalipas simula ng dalhin niya ito sa ospital. Kaya naman ng makita niyang nag-iisa ito sa kubong paborito nitong tambayan ay nilapitan niya ito. Gulat pa itong napalingon sa kaniya. “Ah, R-Rondiel!” nauutal pang sambit nito sa pangalan niya. “I’m sorry if I scared you. Don’t worry, next time magsasalita na ako bago ako lumapit sayo.” Nakangiting turan niya ngunit lumayo na si Jenine sa kaniya. Tumayo ito at umupo sa katapat na upuan. Mabuti at hindi siya nito tuluyang iniwan. “What are you doing here?” ilap ang mga matang tanong nito. “To talk to a friend?” Nag-aalangang turan niya. Nagbaba naman ito ng tingin. “You can leave now.” “Why?” matigas na tanong niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang napakasakit na ipagtabuyan siya nito. Nagtaas na muli ito ng ulo at tinitigan siya. “You are asking me why? Rondiel, we are not friends. I am not your friend and you are not my friend so, please, huwag mo na akong lalapitan kahit kailan.” Parang may maliliit na karayom ang tila tumutusok ngayon sa puso niya. Hindi niya inasahan na harapan itong sasabihin ni Jenine sa kaniya. “I thought I’m just dreaming, para hindi ko maramdaman ang sakit. Ang akala ko hindi ko mararanasan ang masaktan. Pero bakit sayo? Bakit nasasaktan ako sa tuwing iniiwasan mo ako? Bakit ako nasasaktan ngayong ipinagtatabuyan mo ako? Bakit ikaw ang minahal nito?” sabay turo niya sa kaniyang dibdib. Kasabay noon ay ang luhang iniiwasan niyang makita nito. Nagulat si Jenine sa kaniyang mga sinabi. Ngayon at alam na nito ang tunay niyang nararamdaman, naidalangin niya nasana ay tanggapin na nito ang alok niya kahit ang pakikipagkaibigan lamang.“R-Rondiel…” tanging nasambit nito. “I’m not asking anything from you, I just want to be your friend. Pero sa nakikita ko, mukhang mahirap para sayo na tanggapin ako bilang kaibigan mo.” Aniya na unti-unti ng pinupunasan ang luhang dumaloy sa kaniyang mukha. “Rondiel, I’m sorry.” Anito. “No, don’t say sorry, nasaktan kita dahil sa mga pambu-bully ko sa iyo noon. It’s my fault, kaya huwag kang mag-sorry.” Aniya na pilit ngumingiti sa dalaga at tumayo na siya. “No, it’s not that…” sabi naman ni Jenine bago pa siya tumalikod. Napatigil siya at hinintay ang sasabihin pa nito. “…Just live your life as it is, Rondiel. Don’t mind me.” Anito at ito na mismo ang umalis. Natigagal siya sa sinabi nito. Just live your life as it is… “Oh yes, live my life as it is. Ang patuloy kong pagsisihan ang mga araw na sinayang ko para sana ipadama sayo ang pagmamahal ko.” Aniya sa sarili. “Doc, how long will I live?” tanong ni Jenine sa kaniyang doctor. The day na nasa ospital siya at na-confine na napag-alaman pa niyang si Rondiel mismo ang nagdala sa kaniya doon ay nalaman niyang nasa last stage na pala ang kaniyang cancer. It was a bone cancer, and her doctor said that she needs to undergo the chemotherapy. “Five months, six months, but it would be great if you survive for a year.” Ang sabi naman ng kaniyang doctor na si Doctor Jessie Ong. Gusto niyang manlumo, kung kailan nagkaayos na sila ng kaniyang ina ay saka naman darating ang pagsubok na hindi kailanman pumasok sa isip niyang mangyayari. “Okay, Doc, I will do the therapy.” Halos pumiyok ng saad niya. “Okay, I’ll give you your schedule.” Sabi naman nito at nagreceta pa ito ng mga gamot na kakailanganin niya. After 2 weeks “Ma, can I ask you something?” seryosong tanong ni Rondiel sa ina. “Is it about Jenine?” agad namang sambit ng ina. “Why she dropped all her subjects?” nagtatakang tanong niya. Dahil simula ng makausap niya ito ay hindi na niya nakita pa muli sa kanilang University, kahit saan niya ito madalas makita noon ay hindi niya ito makita. “I thought you already knew, she’s your classmate right?” “Mom!” “She’s suffering from cancer.” Nagulantang siya sa narinig. Tama ba ang narinig niya o nililinlang lang siya ng kaniyang pandinig? “What did you say, Mom?” “She dropped all her subjects because her mother told me that Jenine is dying. Hindi ako naniwala noong una, but she brought me to the hospital, and I saw her, I can’t take to see her like that, she’s a nice girl, but she’s fighting for her life, she’s so young.” At hindi niya inaasahan na makikita ang inang lumuluha dahil sa anak n babaeng muntik ng sumira sa pamilya nila. “Why didn’t you tell me?” galit pang tanong niya dito. “I thought you knew.” “Where is she right now?” muling tanong niya. “She’s with her mom. Son, I’m sorry, she needs you, and don’t ask me, I know.” Sa narinig ay tila nabuhayan naman siya ng loob, susulitin niya ang mga panahong hindi niya naipadama kay Jenine ang totoong nararamdaman niya para dito. Hindi siya magsasayang ng kahit segundo. Kahit na ipagtabuyan pa siya nito ay gagawin niya ang lahat makasama lang niya ito. She’s watching a movie in her room. At hindi niya inaasahan ang bisitang dadalaw sa kaniya. “Hi!” nakangiting bati nito. “Hi, what brought you here?” walang ganang tanong niya. “I’m here because I miss you.” Sagot nito habang titig na titig sa kaniya. Pinilit niya umupo mula sa pagkakahiga, ngunit tinulungan siya nito at hindi na siya nakatanggi. “Want some drink?” tanong niya dito ng makaayos na siya ng upo sa kaniyang kama. “No thanks, sapat na sakin ang makita ka.” Sabi naman nito. “Corny.” Natatawang sabi niya. Napangiti ito. “You’re beautiful when you smile.” Napatigil tuloy siya. “Ah, so, ano’ng sadya mo dito? Hindi mo ba nabalitaan na nag-drop na ako? Hindi ba iyon ang matagal mo ng gustong gawin ko?” masakit man pero nakaya niya iyong sabihin. “Jenine…” sabay gagap nito sa kamay niya. Pilit niya itong hinihila ngunit hindi ito pinakakawalan ni Rondiel. “…nagsisisi ako dahil noong mga panahong marami pa akong pagkakataong ipadama sayo ang pagmamahal ko ay ipinagtabuyan kita sa buhay ko. Inignora ko ang nararamdaman ko para sayo. Kaya ngayon, kahit ilang beses mo man akong iwasan, kahit ilang beses mo man akong ipagtabuyan, hindi pa rin ako susuko. Patuloy pa rin akong magmamahal at hinding-hindi ako mapapagod na ipadama sayo kung gaano ka ka-importante sa buhay at puso ko, kung gaano ka kamahal nito.” Sabay na itinapat nito ang kaniyang palad sa tapat ng dibdib nito. Tuluyan ng tumulo ang luha niya. “Rondiel, I’m dying, wala kang magandang buhay sa piling ko. Kaya mas mabuting kalimutan mo nalang ang sinasabi mong pagmamahal mo.” “Are you not listening, Jenine? Kakasabi ko lang, na kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan, hindi ako titigil na mahalin ka?” galit pero makikita sa mukha ni Rondiel ang pagmamahal na sinasabi nito. “Rondiel…” ang siyang tangi na lang niyang nasambit. “Jenine, mahal na mahal kita. And I’m also dying, dahil alam kong nasasaktan ka sa nangyayari ngayon sa’yo, but I’m here, your mom is here. At hindi ka namin iiwan kahit na anong mangyari.” “Paano mo nasasabi ang mga bagay na ‘yan? Hindi ako ang babaeng karapat-dapat na mahalin ng isang lalaking tulad mo, at maraming ibang babae diyan na mas malakas pa sakin at higit sa lahat walang…” hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil naipinid na ni Rondiel ang mga labi nito sa kaniyang mga labi. It feels like heaven while Rondiel giving her a sweet kiss and a very passionate kiss. At hindi niya iyon lubos na maisip. Ni hindi niya inakalang mararamdaman pa niya ang pinapangarap niyang pagmamahal noon mula rito. “Remember always, Jenine. You will always be in my heart, at ikaw lang ang nag-iisang laman nito. Oo, maraming babae diyan na mas hihigit pa sayo, pero ikaw ang siyang piniling mahalin ng puso ko, at hindi ko na iyon kayang pigilan pa, dahil alam kong alam mo, na hindi basta-basta natuturuan ang puso.” Madamdaming sabi ni Rondiel ng maghiwalay ang kanilang mga labi. “Pa’no kung mamatay ako bukas, o sa isang lingo, o sa isang buwan? Mas lalong hindi ko kayang iwan ka, Rondiel.” Pag-amin niya. Hindi man niya tahasang inamin na mahal din niya ang binata ay naunawaan na agad ito ni Rondiel. “I’d stay with you, ‘til the end of time, Jenine. Walang segundo tayong sasayangin, dahil hindi ako papayag na hindi maipadama sayo ang pag-ibig ko.” Pagkasabi niyon ay muli nitong sinakop ang kaniyang bibig. After a week, they decided to get married. At ilang buwan lang ay napag-alaman na buntis si Jenine. Masaya at malungkot ang naramdaman ni Jenine, ngunit pinapalakas ni Rondiel ang loob niya. They spend their life together at nakasuporta naman lagi ang kanilang mga magulang. Until Jenine gave birth to their very cute Daughter and they named her Jeriel Marie Yap. Umabot ng five years ang pakikipaglaban ni Jenine sa Cancer hanggang sa tuluyan ng bumigay ang katawan nito at isinuko na ang buhay sa Diyos. A miracle happened to her life for she stayed longer than she expects. Until the end, nakahawak pa rin si Rondiel sa mga kamay ng asawa. He knows she’s happy now. He and their child will always miss her. At ipagpapatuloy nila ang kung ano man ang pangarap ni Jenine para sa kanilang pamilya. A miracle always happens when you truly believe. The End - DJ R -
Posted on: Fri, 14 Mar 2014 02:32:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015